Ruffa muntik ma-stock sa KL!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

Nagpunta sa Kuala Lumpur, Malaysia si Ruffa Gutierrez para sa Christmas party ng Unreserved Media na publisher ng Unreserved glossy magazine kung saan ay siya ang cover girl ng kanilang December issue.

 

Nag-message sa akin kahapon ng umaga si Ruffa at sinabing, “OMG BAD NEWS!!! I might miss my flight. I think the (check-in) counter might be closed. A high ranking government official arrived with lots of police escorts and there was so much traffic.

“Racing to the airport now to catch my flight to Manila.”

True enough, she missed her flight back home, kaya habang sinusulat ko ang column item na ito ay nasa airline check-in counter pa siya at hinahanapan siya ng flight pabalik ng bansa.

“My gosh, all flights are fully booked daw. I’m on standby. Next available flight daw is on Saturday pa,” depressed na sabi sa akin ni Ruffa.

Dapat ay may guesting today si Ruffa sa Magandang Buhay kung saan ay magpo-promote ang kapatid niyang si Richard Gutierrez ng Fantastica, pero malamang daw ay hindi na siya aabot.

“Surprise guest pa naman ako for Chard, better tell Magandang Buhay staff dahil ayokong ma-surprise sila sa surprise guesting ko. ‘Kakaloka! Hahaha!” natatawang sabi na lang ni Ruffa dahil ayaw na niyang madagdagan pa ang kanyang stress.

But as of this writing, tumawag sa akin Ruffa para sabihin na na-accommodate naman siya sa 5:00 p.m. flight pabalik ng Manila.

Richard punung-puno ang sked!

Speaking of Magandang Buhay guesting ni Richard para sa Fantastica, ang Metro Manila Film Festival 2018 official entry ng Star Cinema at Viva Films kung saan kasama niya si Vice Ganda, kailangan daw na hanggang 2:00PM lang abutin ‘yon dahil Star Studio digital magazine shoot pa siya after at may Star Cinema Chat naman ng 3:00PM.

May mall shows din siya kasama naman sina Maymay Entrata, Edward Barber at Loisa Andalio.

Sa SM Masinag sila ng 5:00PM at segue sa Starmall Alabang ng 7:00PM.

‘Kaloka, ang daming schedules nila sa isang araw lang, huh!

Ang maipupuri naman talaga sa cast ng Fantastica ay ‘yung kasipagan nilang mag-promote kahit na maraming nagsasabing posibleng sila talaga ang mag-number one sa MMFF 2018!

Actually, kung sobrang sipag ni Ri­chard mag-promote, si Vice ay panay rin ang promote. Sa It’s Showtime nga, araw-araw ang banggit niya!

Daniel nag-enjoy ng todo sa bonding nila ni Kathryn sa US!

Kahapon daw ay nakabalik na sa bansa si Daniel Padilla.

Galing siya ng Amerika kung saan ay sinamahan niya ang girlfriend na si Kathryn Bernardo na nag-attend sa premiere night ng Three Words to Forever sa Pasa­dena, California.

Today, busy na naman daw si Daniel dahil marami siyang naka-schedule na trabaho. Sobrang nag-enjoy raw ang aktor sa bonding nila sa Amerika ng kanyang girlfriend.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with