Anne humingi ng dasal para sa amang inoperahan
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

Humiling ng dasal si Anne Curtis via Twitter para sa operasyon ng kanyang ama kahapon. “Good morning Prayer Warriors. Please say a prayer to my dad’s successful operation today. Thaaaaank you and if I were you follow @DreamMachinePH on all social media platform,” tweet ni Anne.

 

Walang ibang detalyeng inilabas ng aktres kung saan oo­perahan ang ama.

EB babu huling araw na sa Broadway!

Ginanap na ang blessing ng bagong Eat Bulaga studio sa Cainta, Rizal. Sa nakaarang episodes ng noontime show, isa-isa nilang pinasisilip ang ilang bahagi ng studio.

Ngayon araw na ito ang huling tuntong ng EB Da­bar­kads sa Broadway Studios after ng­ ­ilang dekadang paninirahan doon. Ito rin ang lugar kung saan nabago ang noontime prog­ramming dahil sa phenomenal kalye series nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Maninibago tiyak ang dadaan sa Broadway bukas, Sabado, dahil bawas na ang taong pipila nang hantinggabi hanggang umaga para makapasok sa studio.

Bumulaga kaya sa bagong studio ng EB si Coco Martin na kasama sina Vic Sotto at Maine sa festival movie nilang Jak Em Popoy: The Puliscredibles?

Rhian feel na feel ang pagdurusa sa winter!

Binigyan si Rhian Ramos ng surprise despedida na kanyang fan club na Cyber Rhians. Halos mapaiyak siya nang ipanood sa kanya ang ginawa nilang video.

“As I’m watching and posting this video and I am teary-eyed. Thank you my loves, for  doing everything to make the feel special. BTW, it worked. Soon gaganti ako,” saad ni Rhian sa kanyang Instagram.

Sa New York City ngayong December si Rhian para mag-aral ng short acting course. Wala siyang pakialam kung magdusa siya sa bagsik ng winter sa Big Apple, dahil rason niya, “Gusto kong nahihirapan ako! Ha! Ha! Ha!”

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with