Ryan Cayabyab nagulat nang maging national artist!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

Don’t look now Salve A., pero wala raw kaide-ideya ang execelent composer, conductor, pianist, at singer na si Ryan Cayabyab na makakatanggap siya ng tawag mula sa Malacañang para i-meet ang pangulong Rodrigo Duterte kasama ang iba pang National Artist awardees for this year.

 

Kuwento pa niya sa members of media nang magkita-kita sila sa Shangri-La Makati para sa presscon nila ng international performer na si Lea Salonga, greatly honored daw ang kanyang naramdaman.

Sa nasabing event, in-announce nila with great pride na ang Curve Entertainment Inc. and GLP Music ay magri-release na ng album, called Bahag­hari, ang pinaka-latest na music endeavor ni Lea. Pawang popular sa mga Pinoy ang nilalaman ng nasabing album.

Ang folk song naman ni Cayabyab na ipino-produce ay ‘di lamang naka-focus sa iisang dialect. It will also contain songs na magre-represent ng ilang kilalang regions natin, plus their respective dialects.

Ang nasabing album ay may mga daya­lektong Tagalog, Ilocano, Kapampangan, Bisaya at Ilongo. All sung by Lea.

Bahaghari is now available sa Spotify, iTunes, Apple Music and all digital platforms worldwide.

Physical CD’s with a special booklet containing cultural notes written mismo by award-winning and director, Eloy Quintos. It will be available sa mga local recod stores simula ngayong December 7, 2018.

Yeng at Angeline madalas na magkalaban noon sa mga singing contest!

May close friendship pala na namamagitan sa singers na sina Angeline Quinto at Yeng Cons­tantino, which is not surprising kung sabagay, as they have known each other when they were just dreaming to become singers.

May mga pagkakataon pa nga raw noon na pareho pa silang mga kontesera, nagku-compete sila sa same singing contests, and well, may mga pagkakataon silang nananalo at of course, natatalo.

Ngayong  pareho na silang Kapamilya talents, lalo raw na tumibay ang kanilang friendship. Lalo pa nga at kahit ang adopted mom ni Angeline na kung tawagin niya ay Mommy Bob ay extra close rin kay Yeng.

The two of them have an upcoming concert, featuring them with Kyla and KZ Tandingan with John Prats directing.

Of John, he and wife, Isabel Oli, just welcomed a baby boy na pinangalanan niyang Daniel Freedom.

Happiest sa pagkakaroon daw ng kapatid ang kanilang panganay na si Lily Feathers.

“She simply loves to be called Ate,” susog pa ni John.

“Now I have more reasons to work hard. Hindi na lang ako asawa, kung hindi father of two na rin,” ang nakangiti niyang saad.

Work hard John really is. As he is in the cast of the top action series, FPJ’s Ang Probinsyano. Sundays naman, he is featured in the gag program, Banana Sundae, together with former fellow child star Angelica Panganiban, Jobert Austria, Jayson Gainza, Ryan Bang, Pooh, Ritz Azul and JC de Vera.

RYAN CAYABYAB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with