Vice to the rescue Edward napapagod na, gusto nang bumalik sa dating buhay
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 6, 2018 - 12:00am

Sa grand mediacon ng Metro Manila Film Festival entry na Fantastica held last Tuesday ay ikinuwento ng bidang si Vice Ganda ang naging pag-uusap nila nang masinsinan ng co-star na si Edward Barbers.

 

Ayon kay Vice Ganda, sobrang naging memorable sa kanya na nabigyan siya ng chance na makausap si Edward at mabigyan ng advice.

“Kasi, break ‘yun, nagse-set-up, tapos si Edward, tahimik. I felt he was sad,” simula ni Vice.

Nasa isang sulok lang daw si Edward noon at madilim pa. So, umupo raw siya sa tabi nito at tinanong niya kung malungkot ito. Naroroon din daw that time ang isa pang kasama sa movie na si Donny Pangilinan.

“And nag-usap kami ni Edward nang seryoso saka ni Donny. Sabi ko, ‘bakit ka tahimik?’ Sabi niya kasi, naguguluhan daw siya. Naguguluhan siya, tapos, nako-confuse siya dahil magmula raw nang lumabas sila nina Maymay (Entrata who is also part of the movie) sa PBB (Pinoy Big Brother), dire-diretso na ‘yung trabaho. Tapos, ‘yung stardom nila, palaki na nang palaki.

“He was not sure if he was prepared for it. Parang when he entered PBB, gusto lang daw niyang i-try, tapos daw nu’n, babalik na siya ng Germany and he would go back to his normal life – estudyante, kasama ang kanyang pamilya.

“After lumabas ng PBB, nagdire-diretso, tapos, naiba ‘yung buhay niya,” pagre-reveal ni Vice.

Habang nagsu-shooting nga raw sila ay parang tulala si Edward at tila hindi makapaniwala sa mundong ginagalawan niya.

“Hindi siya sigurado kung ‘ito ba ‘yung gusto ko? Happy ba ako? Pagod na ba ako? Prepared ba ako rito? Ito ba talaga ‘yung inaasahan ko paglabas ko ng PBB?’ Kasi dire-diretso, eh,” patuloy ng Box-Office star.

Kaya binigyan niya raw ng ilang mga advices si Edward at ibinahagi rin niya dito ang kanyang mga karanasan noong baguhan pa lang siya.

“In-explain ko sa kanya ‘yung purpose ng lahat ng ito. Kung paano mababawasan sa a­ting lahat ‘yung sadness in the midst of success, ‘yung stress sa kalagitnaan ng tawanan, ‘yung lungkot sa kalagitnaan ng palakpakan, at ‘yung katahimikan sa gitna ng ingay.

“Shinare ko sa kanya lahat ‘yun, at pagkatapos, nakangiti na siya and he thanked me and I thanked him as well. Pati si Donny, nag-share rin,” kuwento pa ni Vice.

Natutuwa nga raw siya na nang magkita sila ng ina ni Donny na si Maricel Laxa ay nag-thank you raw ito sa kanya dahil na-appreciate raw ng dating aktres ang ginawang pagkausap nito sa kanyang anak about life.

Siya rin daw ay may mga ganun’g experience nung nagsisimula pa lang siya dahil nabigla rin daw siya nang pumutok ang ‘May Nag-text’ segment niya sa It’s Showtime at nagdire-diretso na. Kaya raw gusto rin niyang i-share sa dalawang new actors ang kanyang pinagdaanan.

“Ngayon, I’m so happy na nakikita ko na silang nakangiti, masaya, kahit alam kong pagod na pagod sila,” saad ni Vice Ganda.

Sa Fantastica ay kasama ang tatlong sumisikat na loveteams ng ABS-CBN, ang Mayward (Maymay and Edward), LoiNie (Loiza Andalio and Ronnie Alonte) and DonKiss (Donny and Kisses Delavin) and of course, sina Dingdong Dantes and Richard Gutierrez na ngayon lang nagkasama sa isang mo­vie.    

Jessy tatlong taon pa bago pakasalan ni Luis

Binibiro ng press si Jessy Mendiola kung kailan ba talaga siya magiging “the girl in the wedding dress” at aniya, hindi pa raw niya alam pero siyempre, lahat naman daw ng babae ay ‘yun ang dream.

“Pero as of now, sobrang wala pa,” she said.

Ano ang masasabi niya na tanggap na siya ng buong pamilya ni Luis Manzano including his parents na sina Congressman Vilma Santos-Recto and Edu Manzano?

“Sana, sana naman. Hindi kasi, sobrang bait din nila, eh. Sobrang warm silang mga tao.”

At aminado rin naman si Jessy na reding-ready na raw talaga si Luis to settle down bilang hindi na rin naman bumabata ang kanyang boyfriend pero ang problema nga ay hindi pa siya ready.

“Siguro, mga 3 years pa,” she said.

Samantala, aminado rin si Jessy na sobrang excited siya na makatrabaho si Jericho Rosales sa The Girl in the Orange Dress dahil crush na crush daw niya ito noon pang hindi pa siya artista at pinanonood pa lang niya sa TV.

 

EDWARD BARBERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with