Kim Chiu
Kim malakas ang ugong na magiging best actress
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 5, 2018 - 12:00am

Feeling ni Mother Lily Monteverde at Direk Eric Quizon mananalong best actress si Kim Chiu sa pelikulang One Great Love.

Ang husay daw kasi Kim sa role nito na isang babaeng naghahanap ng one great love – kina Dennis Trillo and JC de Vera.

Todo raw talaga ang ginawa ni Kim na hindi rin inasahan ni Direk Eric sa actress na nakilala nga naman sa sobrang pa-tweetums. But this time serious character ang ginampanan ni Kimmy na kita nga naman sa trailer ng official entry ng Regal Entertainment sa MMFF 2018.

Kahit naman ang Kapamilya actress ay proud sa ginawa niya sa movie. Pero hindi naman daw siya nag-e-expect na mananalo though kung ibibigay ay mas magiging masaya siya.

Wala rin siyang naging problema with Dennis and JC kahit na medyo delicate ang mga eksena dahil nga super gentleman ang mga ito na parehong may sabit. Si Dennis siyempre, si Jennylyn Mercado and si JC isang non showbiz girl kung saan may isang baby na sila.

Dahil sa nasabing pelikula, magiging busy ang Christmas ni Kim.

Anyway, sa kabila ng kanyang kabisihan sa showbiz, negosyante na rin si Kim. Meron siyang mga ilang negosyo na ang sister niyang si ate Kam Chiu ang nagma-manage. Pagdating sa pera marunong mag-invest ang magkapatid.  

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with