Jessy Mendiola
Jessy muntik nang layasan ang career!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 5, 2018 - 12:00am

Emotional si Jessy Mendiola sa presscon kahapon ng Metro Manila Film Festival 2018 movie ng Quantum Films, ang The Girl in the Orange Dress.

Napaiyak pa nga ang girlfriend ni Luis Manzano.

Sabi ni Jessy, perfect ti­ming ang pagdating ng pe­likulang ‘yon sa kanya dahil pinag-iisipan na niyang mag-quit sa showbiz at bumalik na lang sa pag-aaral.

Gandang-ganda si Jessy sa The Girl in the O­range Dress at proud siya na na­ging magkapareha sila ni Jericho Rosales.

Birthday nga pala kaha­pon ni Jessy at dahil nga sa presscon ng The Girl in the Orange Dress ay naging working birthday ‘yon para sa kanya.

Oo nga pala, sobrang suporta ni Luis sa pelikula ni Jessy dahil pumayag pa ito na mag-guest sa The Girl in the Orange Dress.

In fairness to Luis, gagawin niya ang lahat to support Jessy’s career!

Isa ang pelikulang sa eight official entries sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2018.

Jasmine jobless agad

Sad ang mga artistang kasali sa Pamilya Roces dahil hanggang sa December 14 na lang ang airing nila, pero proud naman sila na sabihing kahit hindi sila umabot ng 13 weeks, ginawa naman nila ang lahat para mapaganda ang kanilang series.

Actually, lahat nga raw ng mga kasama sa cast ng Pamilya Roces ay magkakasundo.

Maganda nga raw ang naging samahan nila sa set, kaya kapag tapos na talaga ang taping nila ay sobrang mami-miss nila ang lahat.

Teka! Ano kaya ang magi­ging next series ni Jasmine Curtis Smith ngayong magtatapos na nga next week ang Pamilya Roces?

Catriona sobrang sikat sa Thailand

Nasa Bangkok, Thailand ang ABS-CBN showbiz reporter na si Jeff Fernando nang dumating doon ang official candidate natin sa Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

Nagkatsikahan kami ni Jeff sa presscon ng The Girl in the O­range Dress at naikuwento niyang nakasabay ni Catriona sa arrival section ng Suvarna­bhumi Internation Airport si Miss Guam Athena Eva Su McNinch.

Nakita ni Jeff na tumabi si Miss Guam nang magsimulang pag­­ka­gu­lu­han ng mga fan si Catriona.

“Marami talagang nag-abang sa pagdating ni Catriona, mostly Filipinos and Thais. Lahat gustong magpa-picture sa kanya and very accommodating naman si Catriona,” kuwento ni Jeff.

Almost 10 minutes daw ang ins­tant “meet & greet” na ‘yon ni Catriona hanggang sa dumating na ang sasakyang sundo niya.

May isang transgender woman na naka-sash pa ng Miss Thailand na nagpa-selfie kay Catriona.

Sa Dusit Hotel Bangkok naman during registration, nakita rin ni Jeff ang iba’t ibang Miss Universe 2018 delegates na nagpapa-picture kay Catriona.

Sobrang sikat daw ni Catriona kahit sa mga kapwa niya contestant sa nasabing international beauty pageant.

“Si Miss Indonesia ang roommate ni Catriona, mukhang okey sila. Friends sila,” tsika pa ng Kapamilya network showbiz reporter.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with