^

Pang Movies

Kinontra ang sinabi ng ex Goma ibinukong one year lang ang relasyon nila ni Sharon!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kinontra ang sinabi ng ex Goma ibinukong one year lang ang relasyon nila ni Sharon!

May isyu ang fans nina Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez dahil sa interview kay Goma ni Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda kung saan sinabi raw ni Richard na one year lang tumagal ang relasyon nila ni Sharon.

 

Kabaligtaran ito sa nabanggit ni Sharon na six years ang on and off relationship nila ni Richard. Hindi tuloy malaman kung sino sa dalawa ang nagsasabi ng tama at may gustong malaman kung ano ang reaction ni Sharon sa sinabi ni Richard.

Ang paniwala ng fans ni Sharon, na-short­changed si Sharon sa interview ni Richard at na­ging unfair daw ito kay Sharon na naging gene­rous sa praises hindi lang kay Richard, pati na sa misis nitong si Cong. Lucy Torres-Gomez at pati sa Ormoc City.

Dapat daw hindi na lang sinagot ni Richard ang tanong ni Boy sa past nila ni Sharon. Hindi na sinagot ni Sharon ang tanong ng fans niya sa isyung ito, ang fans na lang ni Mega ang sumasagot sa fans ni Richard.

Gaya ni Sharon, hindi na rin sinagot ni Richard ang tanong sa interview sa kanya. Sa halip, tuloy ang pagpo-promote nito sa Three Words to Fore­ver at nagpasalamat sa mga nanood na.

Sana, hindi makaapekto sa friendship ng dalawa ang isyu kung ilang taon silang nagkarelasyon. Tapos na yun at pareho na silang masaya sa mga buhay nila with their respective families.

Heart kuntento na sa hugis ng katawan

Bitin na naman ang followers ni Heart Evangelista sa pinost nitong photo na suot niya ang black one piece swimsuit dahil malayo ang kuha ng picture. Pero kita pa rin ang hugis ng katawan ni Heart sa suot na swimsuit na gawa ni Boom Sason.

May nag-comment ng kailangan lang ni Heart to get rid of the dip hip, sagot ni Heart, “I’m happy with my body.” Nakuyog ang nag-comment ng followers ni Heart, ang ending, “user not found” na ang account nito sa Instagram (IG), pero ibinalik din.

Mabuti at hindi inaway ng fans ni Heart ang nag-comment na akala niya buntis ang aktres, bakit daw walang baby bump? Hindi updated si ate dahil hindi nabalitaan na nakunan si Heart.

Samantala, may post si Heart patungkol sa mister niyang si Sen. Chiz Escudero na kinakiligan ng mga nakabasa.

“This guy sees me dream up the craziest ideas and supports me as I pursue them. How lucky am I to have a husband like you, @escuderochiz...”

Holding hands ng mga beteranong sina Eddie Garcia at Tony Mabesa inaabangan kung papatok

Ang ganda ng publicity photo nina Eddie Garcia at Tony Mabesa para sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Rainbow’s Sunset. Holding hands ang dalawa na sa story ng movie, matagal ng may relasyon at nag-decide lang si Eddie na pakisamahan si Tony nitong matanda na sila at may sakit si Tony.

Touching din ang picture nina Tony at Gloria Romero na nag-uusap at magkahawak ang mga kamay. Si Gloria ang guma­ganap na asawa ni Eddie na kanyang iniwan in favor of Tony.

Isa ang trailer ng Rainbow’s Sunset sa MMFF entries na ma­rami ang bumisita sa page sa Face­book, kaya may 2 million views na agad. Very positive rin ang feedback sa pelikula ng mga nakapanood na at isa sa gustong mapanood ng una.

Lalong gumanda ang pelikula sa direction ni Joel Lamangan sa mahuhusay na cast at ang theme song nitong Sa ‘Yo Na na kinanta ni Ice Seguerra.

Rated PG (Parental Gui­dance) ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang Rainbow’s Sunset, hintayin natin kung anong grade ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB). Higit sa lahat, abangan natin kung may audience ang family drama sa MMFF.

Juancho napa-throwback kay Joyce Pring

Kasama na si Juancho Trivino sa cast ng Asawa Ko, Karibal Ko sa role na David na gagamitin ni Thea Tolentino para sirain sina Kris Bernal at Rayver Cruz.

In fairness kay Juancho, hindi nawawalan ng project sa GMA-7 at kahit hindi siya ang bida, ang importante may show siya.

Anyway, may bagong sini-ship kay Juancho, walang iba kung hindi si Joyce Pring na sabi ni Juancho, nagpa-picture na pala siya five years ago at nang magkita uli dahil pareho na silang Kapuso talent, nagpa-picture uli siya.

 

 

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with