^

Pang Movies

Jake at GF, aso muna ang gagawing baby!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon ng charity music festival ni RS Francisco ng Frontrow ay natanong si Jake Zyrus kung gusto rin ba niyang magkaroon ng anak at aniya ay hindi pa raw nila ito napag-uusapan ng fiancée niyang si Shyre Aquino.

 

“Tulad nga ng sabi ko, pareho kami ng perspective (ni Shyre), eh. So, kami, sabi lang namin, when we get married, it is part of the option but like not really anytime soon.

“Kasi, sabi namin, when we get married, para kasi sa amin, ayaw namin ‘yung typical marriage na when you say you are married, you’re not able to do what you want like pinipigilan n’yo na ang isa’t isa, we don’t want that.

“Like when we get married, of course there are some things na parang limitations but we still wanna be able to enjoy our lives because I know that we’re still young.

“Kung baga, para sa amin, ang marriage is for us to let each other know that we are for each other,” sey ni Jake.

Dagdag pa niya, kung sa dalawang aso nga raw nila ay hirap na sila, magbe-baby pa sila. Pero kung dumating naman daw ay okay naman daw sa kanila.

Of course, may mga ways naman kung paano sila magkakaanak ng sarili nila at pwede ring mag-adopt.

AiAi kinapitan ng matinding bacteria

Nakakain pala ng panis si AiAi delas Alas kaya siya naospital. May nagtanong kasi sa kanyang Instagram post kung ano ang nangyari at sinagot niya ito.

Ayon pa sa komedyana, matindi raw ang bacteria kaya medyo nagtagal siya sa ospital.

“Yung bacteria ko malala kasi masyado nang malinis ang sikmura ko. Kaya matagal kasi kailangan ‘di na sumasakit tiyan ko and UTI ko magaling na ganern,” saad pa niya.

Matatandaang nag-post si AiAi ng kanyang hinaing na ilan lang ang nagpapadala ng bulaklak sa kanya sa ospital ngayon unlike before nang time na hit na hit ang Tanging Ina.

Sa larawang ipinost ni AiAi kung saan ay nasa hospital bed siya, may pumuna na wala nga raw siyang nakikitang bulaklak sa room at sagot naman ng komedyana, “Ok lang yung comments kahit walang bulaklak.”

Samantala, may point naman ang manager/columnist na si Lolit Solis sa opinyon niyang baka raw hindi alam ng mga taga-showbiz na naospital si AiAi kaya iilan lang ang nakapagpadala ng bulaklak.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with