^

Pang Movies

AiAi nadiskubre na ang mga pekeng kaibigan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
AiAi nadiskubre na ang mga pekeng kaibigan!
AiAi delas

May hugot about fake friends ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas sa kanyang Instagram account. Nag-post siya ng art card na nagsasaad ng “Fake friends are like shadows. They follow you in the sun but leave you in the dark” at sa caption, mababasa na nasa ospital pala siya.

Ikinumpara ni AiAi ‘yung time na naospital siya at the peak of her success na napakadaming nagpapadala ng flowers pero ngayon daw ay bilang na lang ang mga totoong nagmamahal sa kanya.
“Maganda to ... totoong totoo .. naalala ko and natatawa ako sa buhay ..after tanging ina (thank you star cinema ) pag na hospitalize ako noon kasi madalas ako hikain kasi hindi pa ko organic food grabe punong puno ang room ko ng flowers and fruits para sumakabilang buhay nako haha ...

“Ngayun bilang mo na­lang mga totoong nagmamahal nalang ang nag papadala ng flowers ( hindi ako nag rereklamo narealize ko lang ang buhay ay nakakatawa),” pahayag ni Ai-ai sa caption.
Dagdag pa niya, kapag nag-hit ang kanyang latest film, tiyak na dadami na naman ang kanyang friends.

“Sigurado ko pag blockbuster ang SONS and FEELINIALS (co­ming soon)which i claim napakadami ko na namang friends and flowers,” saad pa niya na nilagyan ng hastags na  #trotoflife at #buhayshowbiz.
Sa sunod na post niya ay makikita ang larawan ng bulalak at prutas at sa caption ay nagpasalamat siya kay Boy Abunda whom she calls “ama”.

“Thank you ama and aaai management office sa aking flowers and fruits,” caption ni AiAi at nilagyan ng hashtag na #totoongnagmamahal.
Hindi naman sinabi ni AiAi kung bakit siya naospital pero sa post niya kahapon, tila okay na siya at aniya ay malapit na siyang umuwi.

Rayver wala pa sa planong pakasalan si Janine

Hindi sure si Rayver Cruz kung makakasama siya sa girlfriend na si Janine Gutierrez sa US ngayong Disyembre dahil nga baka hindi siya payagan ng GMA-7 since mayroon siyang ongoing drama series, ang Asawa Ko, Karibal Ko with Kris Bernal and Thea Tolentino.

Nakatakda kasing magbakasyon si Janine kasama ang mga kapatid at amang si Ramon Christopher Gutierrez sa US bilang katatapos nga lang ng serye niyang Victor Magtanggol.

Halatang-halatang masayang-masaya si Rayver sa nangyayari sa kanyang buhay ngayon sa career at sa love life man.

But when asked kung kailan ang kasal, aniya ay malayo pa raw. Mga bata pa nga naman sila at marami pang gustong gawin sa buhay lalo na nga’t kalilipat lang ng aktor sa GMA-7.

vuukle comment

AIAI DELAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with