Cain at Abel walang Christmas break!

Cain at Abel walang Christmas break!

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 30, 2018 - 12:00am

Dumalaw ako sa taping ng Cain at Abel kahapon ng madaling araw.

Pinuntahan ko si Eddie Gutierrez at nakita ko rin sina Dingdong Dantes at Dina Bonnevie na kasama niya sa isang eksena.

Sa nakita kong schedules na ibinigay ng production kay Tito Eddie, mukhang walang Christmas break ang cast at staff ng Cain at Abel.

May pahinga sila before Christmas, pero magre-resume rin ng taping sa December 27 at magpapahinga bago mag-New Year at magre-resume rin kaagad ng January 4.

Mukhang wala namang angal ang cast and staff dahil hindi rin naman maiiwasan at happy rin naman sila sa magandang feedback sa kanilang series.

Hindi rin issue sa mga taga-Cain at Abel kahit na sinasabing hindi nila matalbugan sa rating game ang katapat nilang FPJ’s Ang Probinsyano.

Mukhang pati ang GMA-7 management ay happy naman sa feedback sa Cain at Abel.

Napansin ko nga pala na malaki na ang ipinayat ni Dina compared sa last series niya sa ABS-CBN, ang The Blood Sisters.

Gloria gaganap sa story ng socialite na dating probinsyana

Nakita ko si Gloria Diaz sa isang birthday event sa The Peninsula Manila.

Birthday party ‘yon ng Beverly Hills-socialite na si Ludivina Lelim-Nacionales.

Gagawing pelikula ang life story ni Ludivina na mula sa pagiging isang very simple woman from ­Iloilo ay nag-migrate sa Amerika at naging napakayaman.

Excited si Gloria sa bagong movie project.

Si Ricky Davao ang kumuha sa kanya sa pelikulang ‘yon. Ang actor-director ang hahawak sa nasabing movie project, kaya nandoroon din siya sa birthday party ni Ludivina.

Ang alam ko, ang Glorious star na si Angel Aquino ang kinukuha para gumanap na much younger Ludivina.

Magsu-shooting sa Amerika ang nasabing pelikula at mukhang wala namang magiging problema sa schedules ni Gloria dahil by that time na aalis na sila ay malamang tapos na ang taping niya ara sa Pamilya Roces series niya sa Kapuso network.

Dating aktor na focus na ngayon sa pulitika, aminadong na in love noon sa sexy comedienne

Nakita ko rin sa nasabing hotel ang isang dating aktor na galing talaga sa isang political family.

Mas nagko-concentrate na ang lalaking ‘yon sa pulitika.

Biniro siya ng isang kasama ko tungkol sa na­ging relasyon nila noon ng isang sexy comedienne.

Tatawa-tawa lang si politician.

Hindi naman nito ikinakaila na na-in love siya sa sexy comedienne, pero nauwi sa wala ang relasyon nila dahil married si actor-politician.

Actually, si sexy comedienne, maraming politicians na nakarelasyon noon.

Suwerte si sexy comedienne sa mga lalaking ‘yon, pero mas pinili niya na magpakasal sa isang non-showbiz guy na hindi naman talaga masasabing super rich.

Mas pinili kasi ni sexy comedienne ang pagmamahal over money.

In fairness to her kasi, marami na siyang naipon mula sa pag-aartista at sa mga regalo na rin mula sa mga dating nakarelasyon.

JM may bago uling serye!

May bagong show kaagad si JM de Guzman sa ABS-CBN.

Siya ang magbibida sa Kapalaran.

Katambal niya rito sina Arci Muñoz at Alyssa Muhlach.

EDDIE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with