^

Pang Movies

Marian at Zia nag-shoot ng bagong raket

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marian at Zia nag-shoot ng bagong raket

Nag-shoot ng bagong endorsement sina Ma­rian Rivera at anak na si Zia Dantes, bawal pa lang banggitin kung anong produkto ang bagong endorsement ng mag-ina.

Pero, sa mga naunang interview kay Marian, binanggit na nito at pinapangako ang mga reporter na ‘wag itong isusulat. Dahil bawal isulat, hindi namin tinandaan.

Nasa IG stories nina Marian at Dingdong Dantes ang TVC shoot ng mag-ina at may caption na “So proud of my girls!”

Samantala, wala pang name reveal sa baby boy nina Dingdong at Marian, nabanggit lang ni Marian na si Dingdong ang mamimili ng magiging pangalan ng second baby nila. Ang fans naman ng dalawa, may suggestions na. ‘Kaloka!

Aktor dinirek ang magaling na aktres, direktor nawindang!

Sa shooting ng pelikulang pinagsamahan ng isang magaling na aktres at magaling na aktor, napahiya ang kasama sa cast, ang production team at lahat ng involved sa movie nang idirek ng aktor ang aktres. Tila nakulangan ang aktor sa acting ng aktres at sinabihan ang aktres na taasan pa ang acting.

Napahiya ang director ng pelikula sa aktres sa ginawa ng aktor dahil ganu’ng level lang ng acting ang hiningi niya sa actress, hindi mataas at hindi mababa, alalay lang na ibinigay ng aktres. In all fairness, sa aktres, hindi ito nag-react at ipinagpatuloy lang ang acting na hiningi sa kanya ng director at dinedma ang comment ng aktor.

Sabi ng mga nasa shooting, nakalimutan yata ng aktor na may director sa set. Artista lang siya gaya ng aktres na dapat sumunod sa director. Magaling na kung sa magaling ang aktor, pero mas magaling ang aktres sa kanya.

Natapos din naman ang pelikula ng aktor at ng magaling na aktres at hindi na uli nakialam ang aktor sa trabaho ng kanilang director. Hindi rin sinita ng aktres ang aktor at hinayaan nito ang ginawa sa kanya.

Ken at Rita, ‘di inakalang kakikiligan

Nakakatuwa ang nangyari sa My Special Tatay dahil ang kontrabidang si Aubrey na gina­gampanan ni Rita Danielaay minahal at tinanggap na ng viewers. Kung noong una, hate ng viewers si Rita at ang karakter niya dahil sa panloloko kay Boyet (Ken Chan), ngayon, mahal na ng viewers ang singer-actress.

Kahit ang magka-love­team ay nagulat sa reaction at feedback ng viewers sa tambalan nila, hindi expected na magugustuhan at may mga kikiligin. Sigurado kaming mababago ang ending ng My Special Tatay sa pag-klik ng Bobrey o Boyet + Aubrey love team dahil dito.

vuukle comment

MA­RIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with