Michael Cinco ginawan ng gown ang kalaban ni Catriona
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - November 28, 2018 - 12:00am

Wow ang Pinoy designer palang si Michael Cinco ang tumahi ng gown ng kandidata ng bansang Canada sa Miss Universe. “Couture fitting with the super stunning Miss CANADA-Universe @stepien.magdalena in DUBAI...I think she is probably one of the most stunning contenders for Miss Universe this year...,” sabi ng sikat na designer na based in Dubai sa kanyang IG post.

Siyempre makakalaban ni Miss Canada ang representative nating si Catriona Grey na sinasabing early favorite na raw agad.

JM at Barbie nagkakagulo na!

Matindi nga ba ang ayaw nina JM de Guzman and Barbie Imperial?

Sa Twitter kahapon ay may sagutan ang fans  nila matapos mag-post si Barbie ng “Young but not stupid.”

Kanya-kanya ng hula ang kanilang fans na umano’y may matinding pinagdaraanan ang dalawa na sinasabing sila na nga.

Ang tanong ng iba, bakit ganun daw si Barbie? Nang mag-split sila ni Paul Salas nabalita ring nagkagulo sila. Tapos ito na naman.

Katatapos lang magtambal nina JM and Barbie sa Araw Gabi.

Marlo bibida sa fiction

Gumaganap bilang isang maginoo sa panahon ng mga Kastila si Marlo Mortel sa romantic fiction book na I Love You Since 1892,  na isinulat ni Binibining Mia sa ilalim ng ABS-CBN Publishing.

Umiikot ang istorya ng libro kay Carmela, isang dalaga mula sa ika-21 siglo na magigising sa ika-19 na siglo bilang si Carmelita Montecarlos, at sa kanyang pakikipagsapalaran kasama ang mabait at maginoong si Juanito Alfonso (Marlo).

 Ang tagumpay ng  I Love You Since 1892 ay nagbunga ngayon sa ikalawang libro nito,  Ang Pag-aaklas Ikalawang Bahagi, na magpapatuloy sa mga pangyayari kanina Carmela at Juanito.  Mananaig kaya ang pag-ibig sa pagitan ng dalawa sa kabila ng takot na kinakaharap?

Mabibili na sa National Book Store outlets nationwide ang nasabing libro sa halagang P225.

Anyway, parang wala pang bagong teleserye si Marlo na sinasabing magiging bagong loveteam ni Janella Salvador. Kamakailan lang din nagluksa si Marlo sa pagkakawala ng kanyang ina.

MICHAEL CINCO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with