Jessy Mendiola
Jessy Mendiola
Jessy pinagmalaki ang lakas!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 28, 2018 - 12:00am

Ipinagmalaki ni Jessy Mendiola sa kanyang Instagram ang pagiging strong and sexy dahil sa bigat na 20KG na kettlebell na gamit siya sa kanyang work out.

Hindi lihim ang pa­ngungutya sa katawan at pata ni Jessy mula sa kayang body shamers at naging challenge sa kanya ‘yon upang pagandahin ang kanyang katawan. Ngayon, siya na ang fitspiration ng ilang kababaihang dumanas din ng pambu-bully sa mga social media basher.

Pinayuhan naman siya ng ilang followers na magdahan-dahan sa pag-swing ng mga kamay hawak ang kettle bell. Eh, may nakalusot na netizen na hindi nagustuhan ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

Natural, to the rescue na naman si Luis, huh!

Rason naman ni Jessy sa pagbuhat ng ganoon kabigat na gamit sa workout, “This particular workout makes you utilize the muscles in your legs and hips to create the impact or power of the swing. That’s why proper/right form is very important.”

Carla paulit-ulit na nag-sorry sa pambubugbog

Umani ng papuri si Carla Abellana sa eksena sa Pamilya Roces kung saan nahuli na niya ang lampungan ng asawa niyang si Rocco Nacino sa kabit niyang si Sophie Albert. Kaya hayun, napalakas ang sampal niya kay Rocco at nasaktan si Sophie sa sabunot niya!

“Alam ko sobra ko silang nasaktan and I kept on apologizing to both of them after the scene. Dahil professional naman silang dalawa, they understand that its just work and.

“Saka instructions ni direk Joel (Lamangan) na kailangan kong ibigay ang lahat Kailangan kong maging violent. Kailangan rage talaga!” katwiran ni Carla sa sakitang nangyari sa eksena.

Bawi naman niya, pagdating sa real Carla, hindi raw siya tulad ng character niya sa PR.

“Magkukulong na lang ako sa kuwarto pag nahuli ko ang asawa ko at iiyak nang iiyak!” saad ng Kapuso actress.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with