^

Pang Movies

Andrea binabantaang papatayin dahil sa pagkahumaling sa BTS!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Andrea binabantaang papatayin dahil sa pagkahumaling sa BTS!
Andrea Brillantes

Grabe pala ang pangba-bash na nararanasan ni Andrea Brillantes mula sa mga netizens dahil sa pagiging fan niya ng sikat na South Korean boy band na BTS. Umaabot na raw sa puntong nakakatanggap siya ng death threats at minumura siya.

Inaakusahan daw siyang poser, fake fan, bandwagon at tinatawag pa siyang kanser. Aminado ang pretty teener na natatakot na raw siya talaga kaya hangga’t maari ay ayaw na niyang ipagsabi na fan siya ng BTS.

Ayon sa 15-year-old young actress, taong 2016 pa lang daw ay kilala na niya ang BTS pero this year lang siya naging fan talaga. Pero ang masasabi raw niya ay hindi siya fake fan at lalong hindi siya nakikisakay sa popularity ng grupo.

“Hindi ako nakikisawsaw sa kanila dahil sikat sila, nagkataon lang na nun’g naging fan ako, sobrang sikat na nila, tapos meron silang upcoming album kaya baka akala nila, nakikisabay lang ako kaya bandwagon, hindi talaga.

“As in gusto ko talaga sila, genuinely. Gumawa ako ng fan account, nagpo-post ako kahit sobrang busy ako. Nagpupuyat ako, nag-iipon ako for merch (merchandise),” saad ng isa sa bida ng pelikulang Kahit Ayaw Mo Na na showing na sa Dec. 5.

Juliana mas piniling mag-alaga ng doggie kesa kapatid!

Hanggang ngayon ay marami ang nagtataka kung bakit nga ba hindi na nasundan ang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana Gomez.

Finally, sa recent post ni Lucy ay nasagot ang mga katanungan. Aniya, mismong si Juliana ang ayaw na magkaroon ng kapatid.

“When she was little, and we’d say our bedtime prayers together, I would ask her to help me pray for a baby brother or sister for her. She would listen intently, wide-eyed, nodding as if in agreement, then she would break into smile and say gently but firmly ‘Mama, dog nalang’,” ang pagre-recall ni Lucy sa kanyang IG post.

So, ‘yun naman pala. Kaya naman pala.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with