^

Pang Movies

Toni mas nauna kay Sam kesa kay Anne!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Toni mas nauna kay Sam kesa kay Anne!
Toni Gonzaga

Inamin ni Toni Gonzaga na nagkaroon sila ng MU (mutual understanding) ni Sam Milby noong time na magka-loveteam sila at may ginawang pelikula together.

“Alam naman ni Paul (Soriano) ‘yun, mutual understanding talaga. Kasi nung time na ‘yun, siya ‘yung loveteam ko,” pagre-reveal ni Toni sa Gandang Gabi Vice aired last Sunday.

Actually, hindi ito nabalita noon at ang alam ng lahat na naging ­unang girlfriend ni Sam from showbiz ay si Anne Curtis. But it turned out, nauna pa pala si Toni.

Pero ayon kay Toni, bata pa rin naman daw sila ni Sam noon at nag-sorry naman daw ang aktor sa kanya.

“Pero ang dami kong natutunan do’n,” sey pa ni Toni. “Natutunan ko na hindi mo masusukat ang pagmamahal mo base sa simpleng pinagdaanan n’yo o simpleng relationship o kung anumang meron kayo.

“Nasusukat ‘yun kung paano mo dadalhin ang sarili mo. Kung paano mo bibitawan ‘yung mga hindi para sa ‘yo. Kasi the moment na binitawan mo ‘yun, du’n mo mare-realize, ang ganda pala ng nakalaan para sa ‘yo,” saad ni Toni.

Hindi naman daw naging super-formal ang relasyon nila at ni hindi nga raw sila nakapag-date man lang.

“Walang pinanghawakan kung hindi ‘yung mga eksenang ginawa sa pelikula, shooting days, walang totoong experience. Lahat ng mga nakakakilig na eksena, pag binalikan mo, sa pelikula pala nangyari, sa set lang. Wala pala ‘yung talagang behind the scene na nag-date kayo, lumabas kayo,” she said.

Magkasama ngayon ulit sina Sam at Toni sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Mary, Marry Me kung saan ay kasama rin nila ang younger sister ng huli na si Alex Gonzaga.

Ice and Jake balak ipalit kay Mader Sitang

Kahit hindi naging maganda ang karanasan ng negosyante at former Mr. Gay World-Philippines sa Thai internet sensation na si Mader Sitang, ayon sa ex-manager ay hindi na raw siya maghahabol pa at hindi na rin siya magsasampa ng reklamo.

Si Wilbert ang tatayo sanang manager ni Mader Sitang and in fact, siya ang naging daan para makarating ang Thai gay sa Pinas last month.

Pero nang pumunta si Wilbert sa Thailand kama­kailan para ayusin ang kontrata nila ni Mader Sitang, doon niya nalaman ang tunay nitong pagkatao.

Humihingi raw sa kanya ng mala­king pera si Mader Sitang na nagkakahalaga ng 20M baht gayung wala naman ito sa usapan nila.

“Fake news po si Mader Sitang,” sabi ni Wilbert sa presscon ng kanyang bagong bagong online store na UBC Shopping is Helping.

Dagdag pa ng negos­yante who is also the President of WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc), para nga raw siyang nasindikato sa nangyari.

Pero charge it to experience na lang daw at lesson na sa kanya na huwag nang magtiwala basta-basta sa nakikita’t nababasa sa internet.

Sa ngayon ay gusto nang kalimutan ni Wilbert ang pinagdaanang gusot kay Mader Sitang at naka-focus siya ngayon sa UBC (Ultimate Brand Concept) online shopping niya kung saan makakabili ng iba’t-ibang produkto tulad ng beauty products, accessories, gadgets, at kung anu-ano pa.

Sa presscon ay ipina­kilala rin ang mga endor­sers ng UBC Online shopping na sina Sebastian Castro, Kevin Ballot, MM Madrigal at Kim Andaya. Kasama rin sa endorsers si Wilbert mismo.

Balak niya ring kuning brand ambassadors ng UBC sina Ice Seguerra at Jake Zyrus.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with