Vilma Santos
Ate Vi hindi tapos sa adjustment sa Congress
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 27, 2018 - 12:00am

Natutuwa naman si Congresswo­man Vilma Santos na kahit na nga hindi siya makagawa ng pelikula sa ngayon ay alam niyang patuloy pa rin siyang hinihintay ng industriya.

“Minsan nahihiya na rin naman ako, lalo na may mga director pa ring nagpupunta sa akin, minsan mga producer, may dalang script at iniiwan na baka sakali raw namang mabasa ko at magustuhan ko, naghihintay lang sila kung kailan ako may panahon. Minsan nga may nagpunta pa sa akin producer na nagsabing may mahalaga siyang project at gusto niyang ako ang gumanap sa lead role. Nahiya naman ako dahil sabi ko nga kung importante sa kanila ang project, baka mas magandang ialok na muna nila sa iba dahil talagang wala pang oras sa ngayon. Ang naging sagot naman sa akin ay ok lang daw dahil kung hindi ko gagawin ang role, hindi na rin nila gagawin ang pelikula.

“Inaamin ko kung minsan pressure sa akin ang ganoon, pero sa ngayon talaga wala akong magawa eh,” sabi ni Ate Vi.

Pero may plano pa ba siyang gumawang muli ng pelikula?

“Hindi naman ako umalis. Hindi ko naman iniwan ang aking propesyon bilang isang aktres, iyon nga lang medyo nawawalan ako ng panahon sa ngayon.  Nasa period of adjustment pa ako sa bago kong trabaho, alam ninyo malaki ang pag­ka­kaiba noong executive ka kaysa doon sa legislative function, at aminado ako na medyo nagtagal ang pag-aadjust ko.

“Pero hopefully after ng elections next year, baka naman magkaroon na ako ng oras. Alam mo kahit na sa mga Vilmanians iyan ang pangako ko. Mailagay ko lang sa ayos ang lahat, gagawa pa rin naman ako ng pelikula,” katuwiran pa ni Cong. Vi.

Pelikula nila Paolo, ayaw tanggapin ng mga sinehan

May mga artistang uma­angal, isa na nga riyan si Paolo Contis, na nagsasabing dahil daw sa title ng kanilang peli­kula, ayaw silang bigyan ng playdate ng mga sinehan at sinasabi raw na may masamang kahulugan ang title ng pelikula nila.

Kung totoong iyon ang katuwiran ng mga may-ari ng sinehan, hindi kami naniniwala riyan. Kasi kahit na ano pa ang kahulugan ng title ng pelikulang, kung gusto nilang ilabas lalo na’t may permit naman at classification ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), ilalabas nila ‘yan.

Marami ngang pelikula, kahit na noong araw na bastos ang title inilalabas nila, eh iyan pang patawa lang dahil comedy naman ang pelikula nila?

Hindi ‘yan makakuha ng playdate dahil si­gu­ro may mas malalaking pelikulang ingles silang makakasabay. Kung hindi man, duda ang mga sinehan sa box office viability ng pelikula. Kung sa title lang, hindi kami naniniwalang ire-reject ‘yan ng mga sinehan.

Dating sexy actor hiwalay na naman sa pangalawang asawa!

Hiwalay na naman pala ang isang dating male sexy star sa kanyang asawa.

Pangalawang hiwalay na niya ‘yan sa asawa niya. Nagpa-annul siya ng kasal sa naunang asawa para pakasalan ang pangalawa. Ngayon gusto na naman niyang humingi ng annulment ulit. Kung sabihin nga, mukhang siya ang male version ng isang aktres na dalawang beses na ring nagpa-annul ng kanyang kasal at mag-aasawa na ulit.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with