Luis busy na sa movie ni Jessy sa Pasko
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - November 27, 2018 - 12:00am

Napakaswerte naman ni Jessy Mendiola dahil malalaking pangalan ang nahilingang magbigay suporta sa kanyang Metro Manila Film Festival 2018 entry na The Girl in the Orange Dress katambal si Jericho Rosales.

Ngayon pa lamang ay panay na ang pagpu-promote ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano ng movie na kasama rin ito with Derek Ramsay, Jennylyn Mercado, Maxene Magalona at Boy Abunda. Isang malaking hamon kay Jessy ang maiangat ang kanyang movie sa pito  pang kalaban nito na ang karamihan ay pinabigat ang cast.

Sam ginagawang busy ang sarili

Malaking break para kay Sam Concepcion na maka-partner si Nadine Lustre sa isang movie na tungkol sa sayawan, ang Indak. Parehong magagaling na dancer ang dalawa pero, pinag-workshop pa rin sila ng direktor nila sa movie na si Paul Basilio para mas gumaling pa sila at gumanda ang chemistry.

Isa ang Indak sa mga solo project ng JaDine. Malaking paghahanda naman ang ginagawa ni James Reid para naman sa Pedro Penduko movie niya na wala si Nadine at naka-sched sa early 2019.

Si Sam naman ay kailangang magbisi-bisihan para kumpletong maka-move on sa kanyang dalawang ulit na break ups. He’s too good para ma-sideline dahil sa naging failure ang kanyang relationship with Jasmine Curtis Smith at Kiana Valenciano.

John at Derek raraket sa pagpapa-workshop

Hindi nakuntento sa kanilang pag-aartista ang magagaling na aktor na sina John Estrada at Derek Ramsay. Ninais nilang palaguin ang kanilang kabuhayan at ibahagi ang kanilang kaala­man sa pag-aartista sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang service events at management agency na tinawag nilang DJRE Entertainment Co. Simula sa December 1 ay magbibigay sila ng intense acting workshop sa lahat ng interesado. Isang malaki at magandang imbitasyon ito sa lahat ng gustong mag-artista o magpaalaga ng kanilang pag-aartista na sila mismo ang personal na magiging teacher ng mga workshopper, kaya tawag na kayo sa 09390370445.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with