^

Pang Movies

Lovi walang planong magpalaki ng boobs

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lovi walang planong magpalaki ng boobs
Lovi Poe

Kahit inuulan ng pintas

Statement kung statement si Lovi Poe sa post niya na “I am Lovi Poe. If there’s one fabric I could wear forever it would be lace and I am also an advocate of self-love. Yes, I am flat and proud #LoviYourBody.”

Puro positive ang comments at feedback sa post ni Lovi at pati celebrity friends niya, nag-comment din at pinuri ang pagiging open niya na hindi siya boobsie.

Isa ang pagiging flat sa ibina-bash kay Lovi dahil puro raw project at awra ito pero wala namang boobs.

May nagpayo kay Lovi na magpa-breast augment, pero wala yun sa plano ng aktres. Paulit-ulit nitong sinasabi na wala siyang balak magpalaki ng boobs at happy siya sa pagiging flat.

Tanong lang namin, bakit ang tagal ng walang TV project sa GMA-7 ni Lovi? Siguro naman Kapuso pa rin siya.

Kim nag-thank you sa Kapuso, Kapamilya

Nakakatuwa ang thank you message ni Kim Chiu sa mga pumupunta sa mall show nila nina Dennis Trillo at JC de Vera to promote Regal Entertainment MMFF entry One Great Love.

Sabi kasi ni Kim, “salamat po sa lahat ng pumunta mga Kapamilya, mga Kapuso, mga ka kosa, ka chorva, kaibigan at iba pang ka!!!”

Sila kasi ni JC ay ABS-CBN talents, at si Dennis ay Kapuso. Ang director nilang si Eric Quizon ay freelancer na kahit saang network pwedeng magtrabaho. Pero, para sa One Great Love, nagsama-sama sila para gumawa ng magandang pelikula na mapapanood sa MMFF.

Tanong lang ng fans, bakit hindi magtagpo sina Dennis at JC? Si Dennis lang ang kasama ni Kim sa mall tour nila sa Harbor Point sa Subic at si JC lang ang kasama ni Kim sa Sucat, Parañaque City. Kailan daw nila mapapanood na kumpleto ang main cast?

Aktor aminadong ‘di tinablan sa ka-loveteam na actress

Mabuti na lang at buwag na ang love team ng isang actor at sexy star dahil kung may love team pa ang dalawa, masasaktan ang fans sa inamin ng aktor na kahit maganda at sexy ang aktres na na­ging ka-love team niya ay hindi siya nagkagusto rito. Hindi man lang niya naging crush ang aktres at lalong hindi binalak ligawan.

Co-worker lang talaga ang turing ng aktor sa sexy actress. Kabaligtaran sa tsika ng fans na may ligawang nangyayari sa magka-love team. Hindi lang daw sinagot ng aktres ang aktor, kaya naghanap ito ng ibang niligawan hanggang mabuwag ang kanilang tambalan. Pero, sabi ng aktor, all work lang ang meron sa kanila ng former love team kahit marami ang kinilig sa kanila. Dahil walang feelings involved, naging madali sa aktor na kalimutan ang tambalan nila ng aktres.

Binura nito sa social media account niya ang lahat ng photos nila ng former love team at in-unfollow pa. Nagalit ang fans ng love team ng aktor at aktres, but at least, nagpakatotoo siya. Hindi niya niloko ang fans at ang former love team, kaya hindi maaakusahang manggagamit ang aktor.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with