^
Andre ayaw bumukod kay Benjie!
Andre Paras

Andre ayaw bumukod kay Benjie!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - November 26, 2018 - 12:00am

Marami ang naghanap ng birthday message ni Andre Paras para sa mom niyang si Jackie Forster na birthday noong November 6, pero walang birthday greetings sa ina si Andre. Ang kapatid lang nito na si Kobe Paras lang ang meron nito.

Pero, sabi ni Andre nang makausap namin sa taping ng Pamilya Roces, okay sila ng mom niya. Binati naman siguro nito si Jackie sa nakaraang birthday nito, hindi na lang pinost sa social media at hayaan na natin siya doon.

Nabanggit din pala ni Andre na si Kobe lang ang hindi na nakatira sa family home nila dahil kasama niya pa rin ang amang si Benjie Paras at ang pamilya nito sa bahay. May condo unit daw siya, mga two minutes away from their home, pero mas gusto pa rin niyang sa kinalakihang bahay nakatira dahil gustong nakikita ang kanyang pamilya. Hindi nito masabi kung kailan siya bubukod ng tirahan at gusto pa nga parentahan ang condo unit niya.

Anyway, enjoy si Andre playing the role of Gareth Austria sa Pamilya Roces and working with direk Joel Lamangan dahil marami siyang natututunan and working with his co-stars. Namo-motivate siya na galingan din ang acting para makasabay sa magagaling na kasama.

Special mention nito si Jasmine Curtis-Smith na very professional at take one actress. Idagdag pa na very beautiful, kaya nahihiya siyang magkamali at he makes it a point na bago siya sumalang sa taping, alam na niya ang gagawin at memorize ang lines niya.

Jennylyn at Jessy walang chance magsama

Isa ang The Girl in the Orange Dress sa Metro Manila Fiml Festival entry na may magandang poster. Motion poster ang tawag sa poster na gu­magalaw at ‘yun na ang official poster na tiyak pag-uusapan at kukuha ng atensyon.

Sina Jericho Rosales at Jessy Mendiola lang ang nasa poster, hindi naman siguro magtatampo ang ibang cast na wala sila dahil kasama naman sila sa buong pelikula.

Nabasa namin ang pangalan ni Derek Ramsay na may cameo sa movie. Nasa billing ang mga pangalan nila nina Jennylyn Mercado, Luis Manzano, Maxene Magalona at Boy Abunda sa guests sa movie.

Ang ganda siguro kung may eksenang magkasama sina Jennylyn at Luis.

O kaya, pareho silang dumalo sa premire night ng Quantum Films movie para matuwa ang moviegoers. Pero, sa napanood naming video, walang chance na nagkasama sina Jennylyn at Luis.

Janella nakipag-jamming sa tatay

Ang daming nagkagusto sa video ng performance nina Janella Salvador at amang si Juan Miguel Salvador na kinanta ang Queen Medley. Pumunta sa Strumm’s si Janella kung saan may gig si Juan Miguel at naki-jam sa songs ng medley.

Kahit sinabi ni Janella na may ubo at dysmenorrhea siya that night, she still give a good performance. May patalun-talon pa ang aktres habang kumakanta at kita mong nag-enjoy ng husto. May mga nag-request tuloy na mag-guest sila sa ASAP Natin ‘To at mag-perform together.

Mukhang hindi na nababanggit si Elmo Magalona ‘pag nabanggit si Janella, pero hindi pa naman siguro puputulin ng ABS-CBN ang love team ng dalawa, lalo at marami silang fans. Ipinagpapahinga lang siguro ang tambalan nila pagkatapos ng kontrobersya.

ANDRE PARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with