Mag-dyowang nagtiis sa hirap nakalibre ng kasal sa ASAP
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - November 24, 2018 - 12:00am

Sinagot ng ABS-CBN ang kasal ng magkasintahang naitampok nila sa bagong reformat na ASAP Natin ‘To noong nakaraang linggo.

 

18 years nang magkarelasyon ang dalawa pero hindi pa naikakasal dahil sa rami ng dinanas na hirap.

Naaksidente ang lalaki na halos ikamatay na nito, kumbaga pangalawang buhay niya na dahil naka-survived siya. Pero nalumpo ito at sa wheelchair na lang umikot ang kanyang buhay.

Ganunpaman, malaki pa rin ang ipinagpasalamat niya sa Diyos dahil hindi siya iniwan ng babaeng mahal niya.

Maagang Christmas gift ang handog sa kanila ng ABS-CBN kung saan ipinakasal sila sa Most Sacred Heart of Jesus Chapel inside the network.

Wala ni isang singkong duling ang kanilang ginastos, pati kaanak nila.

Super ganda ng wedding! Pang-first class.

Lahat ng kaanak nila at friends ay invited at talaga namang ang saya-saya dahil showbiz affair ang dating.

Si Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang kumanta ng wedding song nila na Ikaw Lamang habang nagmamartsa. Naghandog din si Daniel Padilla ng isang masiglang awitin at sumayaw pa.

Siguro kung hindi lang nahihiya ang mga bisita, siguro ay nadamba na nila sina Gary at Daniel.

Lalong napabuntong hininga ang mga bisita nang isa-isa nang nagmartsa sa altar ang mga Icon ng Movie at TV industry as principal sponsor like Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes at iba pang big boss ng Kapamilya.

E, sino naman ang hindi maiihi kay Regine Velasquez at Ogie Alcacid, Luis Manzano, Sarah Geronimo, Piolo Pascual, TNT Boys at iba pa.

Grabe! Star Studded talaga ang wedding ng new couple na ito. Talagang full of love ang Kapamilya, kapag nagmahal ng kapwa, No Limitations!

Dennis at Dingdong hindi mga mukhang hoodlum

Na-tense ako sa first night telecast ng Cain At Abel nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa GMA-7.

Mga bata pa ang magkapatid nang maghiwalay sila at ang kanilang mga magulang. Mayaman si Dingdong dahil naiwan siya sa ama at si Dennis ay lumaking bandido, hindi nakapag-aral at sa lansangan lumaki.

Akala ko, forever na silang magka-away, pero ika nga lukso ng dugo at dahil may palatandaan na magkapatid sila sa kwintas na may dalawang pendant na may litrato nila. Pero parang hindi kapani-paniwala na mga hoodlum sila, kasi ang popogi at ang aamo ng mukha nila. Pero acting wise kaya naman aprub!

ASAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with