Diego Loyzaga
Diego bumitiw na sa Los Bastardos, lumipad pa-US
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 22, 2018 - 12:00am

Nakakalungkot naman kung totoo nga ang kumakalat na nag-quit na si Diego Loyzaga sa kanyang role sa serye nilang Los Bastardos. Isa pa naman siya sa mga importanteng karakter na pinagbibidahan din nina Jake Cuenca, Albie Casiño, Joshua Colet and Marco Gumabao.

Nabanggit daw kasi ni Isabel Rivas na gumaganap na nanay ni Diego sa nasabing serye, na umalis daw ito papuntang U.S.

Common knowledge naman na kasi na may hindi magandang balitang kumalat tungkol kay Diego lately, at may kinalaman diumano ito sa tangka niyang pagpapakamatay. Which of course, his family and his mom, actress Teresa Loyzaga denied.

Ang tatay ni Diego ay si actor turned-government official, Cesar Montano.

Sam walang planong pumatol sa may asawa

Na-realized ni Sam Milby na popular na pala talaga ang serye nilang Halik nina Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos. Kahit saan daw kasi siya magpunta ay may nag-a-approach sa kanya, mapa-bagets man o matanda. Ang iba pa nga ay bigla na lang daw siyang sinasabihan ng nakakainis siya at ang iba ay akmang sasaktan pa siya.

“These people I mentioned, parang they forgot that I’m just playing a role,” susog pa ni Sam. “In real life, I cannot imagine myself having an affair with a married woman.”

“This year, really proved a good one for me. I hope, it continue until next year,” patuloy pa ni Sam.

Sam has two entries in this years Metro Manila Film Festival 2018 (MMFF), ang Girl in the Orange Dress na pinagbibidahan din ni Jericho, kasama si Jessy Mendiola and Keith Thompson. At ang pelikulang Mary Marry Me, with sisters Toni and Alex Gonzaga.

Janno dapat gayahin si Ronaldo

Masaya raw ang showbiz icon na si Ronaldo Valdez sa pagganap niya bilang tatay ng limang bastardo sa Los Bastardos.

As Perla Bautista, who plays the role of a grandma in Los Bastardos said: “Kung acting ang pag-uusapan, isa na sa limang pinakamagaling na aktor si Ronaldo.

“Kaya nga ‘di siya nawawalan ng assignment.”

Apparently, hindi ata ito nakuha ng anak niyang si Janno Gibbs sa nagiging kontrobersyal ngayon dahil sa pagpo-post diumano sa social media account niya ng hinanakit sa ABS-CBN.

Dapat siguro, gayahin ni Janno ang attitude ng kanyang ama sa kanyang showbiz career. And why most everyone still look up to him.

Ronaldo has been in showbiz for more than 30 years.

Angel noon pa tinarget si Tony!

Alam n’yo ba na may say din si Angel Aquino sa pagkakapili kay Tony Labrusca bilang kanyang leading man sa much-talked about digital movie na Glorious kung saan gumaganap siya bilang isang married woman in her 50’s at na-in love at nagkaroon ng affair sa isang 21-year-old guy.

Napanood daw niya si Tony sa series na La Luna Sangre at nakita niya ang potential nito bilang aktor.

“Kaya nga na-mention ko ang pangalan niya, since ako muna ang kinunsider for the top female lead role, when they asked me kung I have in mind a young actor to play my young leading man.

“I’m glad, Tony didn’t disappoint me.

“Isa pa sa feeling ko na malaking asset ng movie ay ang direktor naming si Connie Macatuno.

“She make sure na okay both sa amin ang eksena, bago niya ito kunan.”

Glorious is one among less than 10 films, which Dreamscape Digital Entertainment produced, which are ready na for release on ABS-CBN’s new I want streaming service.

DIEGO LOYZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with