^

Pang Movies

Dennis at Dingdong ayaw magpa-double!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung hindi man nasubukang mailaglag ng Victor Magtanggol ni Alden Richards ang top rated series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, nagsanib-puwersa naman ngayon ang dalawang hari ng primetime ng GMA-7 na sina Dennis Trillo at Dingdong Dantes para sa bago nilang seryeng Cain at Abel na nagsimula na noong Lunes.

 

Pangatlong bersyon na ng Cain at Abel sina Dennis at Dingdong dahil ang nauna sa kanila ay sina Fernando Poe Jr. at Zaldy Zshornack na idinirek ni Gerry de Leon noong 1964 at sinundan naman nina Christopher de Leon at Philip Salvador noong 1982 na idinirek naman ni Lino Brocka.

Ganunpaman, ipinahayag naman ng produksyon nina Dennis at Dingdong na iba ang kanilang istorya kumpara sa mga nauna.

Balitang sariling stunts daw ang ginagamit ng dalawa at hindi sila nagpapadoble kahit pa buwis buhay ang kanilang mga eksena.

Tingnan nalang natin kung makakaya nga nilang pabagsakin ang Ang Probinsyano.

Ilang mga artista sa ABS-CBN biglang natabunan

Kapansin-pansin na sa paglipat ni Regine Velasquez sa bakuran ng ABS-CBN, tila ba natabunan na ang ibang artista sa Dos.

Reynang-reyna kasi ang dating ni Asia’s Songbird at halos sa lahat ng programa sa Dos ay nandun siya.

Usap-usapan nga ngayon ang pagkawala ni Martin Nievera at Zsa Zsa Padilla sa bagong reformat na ASAP na ngayon ay ASAP Natin ‘To na. Wala na raw ba sila o hindi lang nakasama noon?

Ganunpaman, sana ay pag may bagong artista sa isang network, huwag sana silang mag-focus sa bagong lipat. Napakaraming artista sa Dos ang hindi pa nabibigyan ng break pero may mga kakayahan.

Tosca Puno malaki ang pasasalamat sa mga kaibigan ni Rico

Sa November 23 ay mapapanood na sa Solaire ang Music And Laughter tribute show na idinirek ni Gerry Matias para kay the late Rico Puno kung saan tampok sina Giselle Sanchez at Marissa Sanchez. Guest singer naman sina Nonoy Zuñiga, Marco Sison, Nanette Inventor, at Eric Morales.

Ang anak ni Rico na si Tosca Puno ay nagpapasalamat sa mga sumuportang kaibigan ng yumaong ama.

Maligayang Kaarawan!

Birthday greetings sa mga November born celebrants: Governor Imee Marcos, Lucio Tan, Manoling Morato, Priscilla Almeda, Laila Montelibano, Janus Del Prado, Boy Silverio, Arjo Atayde, at Josie Maniago.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with