Heart may tinanggihang endorsement sa Paris
Today na ang press launching ni Heart Evangelista as the newest endorser of Kamiseta.
Sa New York Fashion Week unang inirampa ni Heart ang skirt na fashion collaboration niya with Kamiseta - LMxKamiseta.
Starting November 21, tomorrow, ang official launching ng LMxKamiseta in all Kamiseta stores nationwide and online.
Sunud-sunod ang endorsement ni Heart here and abroad.
Ayon nga sa isang friend ni Heart may bago pa sa kanilang offer pero may conflict sa existing contract nito sa isang endorsement sa Paris kaya tinanggihan na nila.
Anyway, puring-puri ni Ms. Cris Roque, CEO of Kamiseta Group of Companies, ang kabaitan ni Heart during the pictorial. Wala raw ere at kaartehan si Mrs. Chiz Escudero.
Nabanggit din ni Ms. Cris na affordable ang prices ng LMxKamiseta.
Rating ng ASAP at pinasaya parehong wagi
Parehong naglabas ng Sunday rating ang ABS-CBN and GMA 7.
Magkaibang provider ang source nila kaya pareho silang nanalo.
Ang ABS-CBN ay ang Kantar ang provider habang ang GMA 7 ay ang Neilsen.
Kaya kahit may war sa social media kung sino ang nag-rate, marami rin namang nagsasaya dahil pareho ngang bongga ang rating ng ASAP Natin ‘To at Sunday Pinasaya.
Glorious naniningil na
May charge na raw ang panonood ng movie’ nina Angel Aquino and Tony Labrusca na Glorious.
Originally ay intended ito for iWant, ang bagong streaming provider ng ABS-CBN pero pumatok ang nasabing movie kaya siguro naniningil na sila.
Ang dali rin nitong na-pirate as in kalat na kalat na sa Facebook kaya naman mas madali nang mapanood. Ang masaklap lang, hindi mo na mabantayan ang mga bata dahil nga open na ito everyone eh for adult only ang pelikula.
- Latest