^

Pang Movies

Maja nag-wish ng lovelife sa Taiwan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Maja nag-wish ng lovelife sa Taiwan!
Maja Salvador

Humiling si Maja Salvador ng healthy & happy love life na isinulat sa pinuntahang Shifen Old Street, Taiwan at ipinagmalaki sa kanyang Instagram.

“Magwiwish ka na lang...itodo mo na!” caption ni Maja sa litrato niya.

Pinusuan naman ni Angeline Quinto ang post ni Maja habang si Kakai Bautista ay napa-“YESSSS!!!!”

Naku, warning na ito sa lalaking magugustuhan ni Maja, huh!

Kaya maraming sinibak, Regine sobrang mahal ng talent fee!

Nagresulta sa talunang ratings ang pagkadismaya ng netizens at televiewers sa reformat na ginawa ng ASAP last Sunday. Napanood na raw kasi ang paiyak na segments ng Channel 2 Sunday show sa Wish Ko Lang, Juan For All, All For Juan ng Eat Bulaga pati na sa nakaraang segments ng kalabang Sunday PinaSaya.

Base sa data mula sa NUTAM, ang ratings ng SPS ay 6.3% gaya ng pre-programming nitong Del Monte Kitchenomics habang ang ASAP ay 5.7% lang ang nakuhang ratings, huh! Pati kasunod na programa ng SPS, ang Dear Uge, pinadapa ang katapat na gag show na Banana Sundae!

Eh ang masaklap pa sa reformat ng ASAP, nasibak pa ang dating mainstays nito para lang diumano ma-accommodate si Regine Velasquez na super mahal ang talent fee!

Ang sakit naman nang nagyari sa ASAP!

Solenn at Nico ayaw magka-problema sa pera

Walang pakialamanan ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa kinikita nila pero pagdating sa gastusin sa bahay eh hati naman sila.

Sa totoo lang, hindi alam ni Nico ang laman ng bank account ni Sos at clueless din si Sos sa bank account ng dyowa.

“Oo kasi wala akong paki!” bulalas ni Solenn nang makausap ng press sa launching ng bago niyang Kapuso series na Cain At Abel.

“Nico knows how much I earn but he doesn’t know kung may savings ako o wala. May joint account naman kami na every month same ‘yung amount na binibigay namin,” paliwanag niya.

Rason niya, “I think it’s healthy if you about it in life general, not just marriage but friends, business, pag may away, it’s always financial, it always about money. I don’t want that to happen!”

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with