^

Pang Movies

Albie sinuwerte sa pagiging bastardo!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Albie sinuwerte sa pagiging bastardo!
Albie Casiño

Mukhang suwerte kay Albie Casiño ang naibigay sa kanyang role sa Los Bastardos ng ABS-CBN. Kung nagsimula mang mahina ang kanyang character kum­para sa lima pang mga gu­maganap ng bastardo sa serye tulad nina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Marco Gumabao at Joshua Colet, unti-unti ay lumalaki ang kanyang role at nagiging mahalaga, lalo na sa absence ngayon ni Diego. Ngayon, pansin na ng manonood na may katawan din siya tulad ng apat na hunks na kasama niya, at lalong hindi siya dehado sa looks department.

Jestoni hindi pa kumukupas

Hindi lamang sina Ken Chan at Rita Daniela ang arangkada ang performance sa My Special Tatay kung hindi maging si Jestoni Alarcon na kahit suporta ang role ay talagang hindi nagpapaiwan sa mga nakakabatang artistang kasama sa palabas pagdating sa akting.

Malaking bahagi sa serye ang role ng guwapo pa rin at tila hindi tumatandang aktor na ang palabas ay lumalaban head on sa kasabayan nitong programa.

Lance Raymundo hindi natanggap ang first best actor award

Sa dami ng kanyang gawain ay hindi natanggap ng personal ni Lance Raymundo ang kanyang Best Actor award sa VideoFest 2018 na ginanap sa Miriam College. First acting award ito ng singer who is venturing into acting and proving to be successful.

Matatandaan na matagumpay na nagapi ni Lance ang isang malagim na aksidente na halos kumitil sa kanyang buhay habang nasa gym. Isa siya sa dalawang magkapatid na Raymundo, ang isa pa ay si Rannie Raymundo, na aktibo sa kanilang pagkanta.

Mga biktima ng pambabastos sa mga beauty pageant, nagsisilabasan na!

Kung hindi pa sa tapang at lakas ng loob ng isa (o ilan ba sila?) sa mga sumali’t nanalo sa isang beauty contest ay hindi pa mabubulgar ang hindi magandang trato ng maraming manyakis na nagpapanggap na supporter ng mga beauty contest pero, gusto lamang palang manamantala ng mga kalahok.

Nakakahiya talaga sila!!! Dapat silang maparusahan para magtanda at igalang ang mga kababaihan.

Ngayon, isa isa nang naglalabasan ang marami palang biktima ng ganitong pang-aabuso. Lahat sana nang mga beauty contest organizer ay magsama’t magkaisa para huwag nang lumala at mapigil ang ganitong masamang sistema na sumisira sa mga beauty contest natin.

vuukle comment

ALBIE CASIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with