^

Pang Movies

TNT Boys nire-request pa sa ibang bansa

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
TNT Boys nire-request pa sa ibang bansa

Eleven days to go na lang at mapapanood na ang pinakaaabangang concert ng TNT Boys na sina Francis Concepcion, Mickie Empuerto, at Keifer Sanchez na Listen : The Big Shot Concert sa November 30, 2018 sa Araneta Coliseum.

Confirmed na ang mga seat  mula sa VVIP, VIP, Patron A, at Patron B, ay   sold out na kaya konting upuan na lang ang natitira para sa kanilang concert.

Inaasahan nang magpapadagundong sa Big Dome  ang tatlong bagets sa isa na namang spectacular performances, kaya naman deserve talaga na patuloy na makilala ang kanilang world class talents.

Pambihira ang vocal acrobat ni Mickie, magpapakitang gilas naman muli sa pag-whistle si Keifer at siyempre hindi magpapahuli si Francis sa pambihirang voice control at belting nito.

Tiyak na bonggang hiyawan na naman ang maririnig mula sa kani-kanilang fans bilang suporta sa Pinoy pride.

Ang dami ring Pinoy worldwide ang nagre-request na sana ay mapanood sila sa Qatar, Australia, at iba pang bansa.

vuukle comment

TNT BOYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with