^
Ciara maligaya sa foreigner BF!

Ciara maligaya sa foreigner BF!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 19, 2018 - 12:00am

Ian Austin ang name ng bagong inspirasyon ni Ciara Sotto pero private ang Instagram account niya kaya maliban sa pangalan, wala nang ibang impormasyon na malalaman tungkol sa kanya ang mga mahihilig sa showbiz intrigues.

Poging-pogi ang foreigner na nagpapasaya ngayon kay Ciara. May mga haka-haka na annulled na ang kasal niya sa kanyang former husband kaya hindi na inililihim ni Ciara ang relasyon nito kay Ian na isang propbuilder at sculptor.

Feel na feel ng mga tsismosa na mahal na mahal ni Ian si Ciara at ang anak nito dahil ang larawan nila na magkakasama ang profile pic sa kanyang Instagram account.

Kahapon ang kaarawan ni Ian kaya may-I-greet siya ng “Happy birthday my love!” ng kanyang girlfriend.

Maligaya para kay Ciara ang mga kaibigan at fans niya dahil nakatagpo siya ng bagong mamahalin.

 Richard at Dingdong inaayos ang billing

Pinag-isipan at pinag-aralan ng mabuti ang billing ng mga pangalan nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes sa Fantastica, ang comedy movie ni Vice Ganda na official entry sa Metro Manila Film Festival sa December 25, 2018.

Una ang pangalan ni Richard sa billing pero may “and” sa name ni Dingdong. Tama lang na nauna ang pangalan ni Richard sa billing dahil nagsimula ang showbiz career niya bilang child actor.

Siyempre, ang name ni Vice Ganda ang pinakamalaki at prominent sa posters ng Fantastica dahil siya ang bida ng pelikula na expected na magiging top-grosser sa darating na MMFF.

Direk Toto, no comment na sa isyu ng PNP at Probinsyano

No comment ang direktor na si Toto Natividad tungkol sa mga emote ng Philippine National Police laban sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil hindi na niya alam ang kuwento ng kanyang former show sa ABS-CBN.

Si Toto ang direktor ng Cain at Abel na maka­katapat ng Ang Probinsyano simula ngayon kaya tinanong siya tungkol sa kontrobersya na kinasasangkutan ng programa ni Coco Martin.

Hindi nagsalita si Toto dahil sa kanyang simpleng katwiran na hindi na niya alam ang mga ganap sa Ang Probinsyano.

Very eager ang mga mahihilig sa mga big action scene na mapanood ang Cain at Abel dahil gusto nila na makita ang Tatak Toto Natividad sa mga stunt na gagawin nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, ang stars ng Cain at Abel.

Eddie balik-Kapuso na!

Balik-Kapuso Network si Eddie Gutierrez dahil siya ang gumaganap na tatay nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes sa Cain at Abel.

Malaki at challenging ang role kaya tinanggap agad ito ni Eddie na isa sa mga nirerespeto na vete­ran actor, gaya ng kanyang tukayo na si Eddie Garcia.

Natutuwa ako sa importansya na ibinibigay ng mga television network sa mga veteran actor na pinagkakatiwalaan pa rin magbida sa mga tele­serye, pati na sa mga pelikula.

Si Rafael Rossell ang young Eddie Gutierrez sa Cain at Abel. Young Dina Bonnevie si Diana Zubiri at young Chanda Romero si Yasmien Kurdi. Sa bigatin na cast pa lang, kaabang-abang talaga ang bagong drama action primetime television series ng Kapuso Network na mapapanood simula ngayong gabi.

CIARA SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with