^

Pang Movies

Coco inagawan ng trabaho si Direk Toto?!

Vir Gonzales - Pang-masa
Coco inagawan ng trabaho si Direk Toto?!
Coco Martin

MANILA, Philippines — Masakit man sa kalooban ng staff at mga artista ang pag-alis ni Direk Toto Natividad sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na mahigit tatlong taon niyang pinamahalaan. Hindi naman nila ito masisisi kung naghanap na ito ng bagong proyekto.

Sa loob ba naman ng tatlong taon niya bilang direktor ng nasabing serye ay parang hindi man lang siya nagkaroon ng promotion, hanggang sa kalaunan na nga ay “nakikisingit” na si Coco Martin na magdirek nito. Sino ba naman ang makakatagal sa ganon? Ano pa ba nga naman ang gagawin ni Direk Toto kung may iba nang gumaganap sa tungkulin niya?

Sa aking opinion, tama lang na lumipat na si Direk Toto at tanggapin ang bagong proyekto nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes na Cain At Abel ng GMA-7 para mai-contribute naman niya ang kanyang talent sa pagdidirek sa ibang artista.

Maine at Arjo gumagawa lang ng ingay para sa pelikula?!

Nang minsang mapasyal kami sa Burnham Park sa Baguio, napansin ko ang isang umpukan ng mga bagets sa isang sulok, narinig ko ang kanilang pinagtsitsimisan tungkol kina Maine Mendoza, Alden Richards at Arjo Atayde.

Sabi nila, ngayon lang daw ang pagiging sweet at pagdi-date nina Maine at Arjo dahil may pelikulang pinagsasamahan ang dalawa, ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles kung saan isa si Maine sa bida, kasama sina Vic Sotto at Coco Martin. Magbabalikan din naman daw ang AlDub loveteam nina Maine at Alden oras na matapos na ang nasabing pelikula.

Hanggang ngayon ay marami pa ring umaasa na muling magkakabalikan ang dalawa at masisilayan sa small screen.

Maligayang Kaarawan!

Birthday greetings to November born celebrants na sina Deo Endrinal, Aaron Domingo, Lou Bonnavie, Malou Fagar at Rachel Areñas.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with