^

Pang Movies

Showbiz couple natuloy ang hiwalayan, nakatira sa isang bahay pero hiwalay na sa tulugan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Natsitsismis na hiwalay na ang showbiz couple na ito, may nagsabi namang sa iisang bahay pa rin sila nakatira, separate nga lang ng bedrooms. Pero dahil pare-pareho tayong hindi nakatira sa bahay nila at hanggang walang magpapatunay sa tsikang sa separate bedroom sila natutulog, ‘wag muna nating paniwalaan ang mga sabi-sabi.

 

Umaasa ang friends at lalo na ang family ng couple na may pinagdadaanan lang silang problema at maaayos din. Kailangan lang nilang mag-usap at ayusin ang kanilang problema para hindi mauwi sa hiwalayan.

Ang natatandaan namin, last year pa nababalitan may problema ang pagsasama ng dalawa, pero walang balita na naghiwalay sila. Ngayon lang lumabas ang tsikang ito.

Beautiful couple pa naman sila at ang ganda ng kanilang love story, kaya sayang kung mauuwi lang sa hiwalayan.

Dingdong at Solenn, may mainit na bathtub scene

Hindi lang pala action scenes ang tututukan ng viewers sa Cain at Abel,  kung hindi maging ang love scene ng mga bida. Sina Dennis Trillo at Sanya Lopez ay may mainit na love scene at hindi nagpatalo sina Dingdong Dantes at Solenn Heussaff.

Ang panlaban nina Dingdong at Solenn, hindi lang love scene dahil may bath tub scene sila na kung saan, sabay silang naligo at bubbles lang ang nakatakip sa katawan. Palaban si Solenn dahil hindi lang kay Dingdong may love scene, may bed scene rin siya kay Fabio Ide.

Sa Lunes, November 19, pagkatapos ng 24 Oras na makikilala si Abigail (Solenn) at kung bakit pa rin niya niloko si Daniel (Dingdong) kahit mahal na mahal siya nito,

Ang bagong pinagkakaabalahan ni Solenn ay ang Solenn Home na rugs na siya ang gumawa at nag-design kasama ang Studio Soliven.

Goma may kampanya sa mga kandidatong kasali sa droga

Sa November 28, na ang showing ng Three Words to Forever, ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez. Sa post ni Sharon, bumalik pala sila sa Ormoc para sa mga natirang eksena. Makikita ang ganda ng Ormoc sa Star Cinema movie na kasama rin sa cast sina Liza Lorena, Kathryn Bernardo, Tom Esguerra at Freddie Webb.

Samantala, nakakatuwa na sa pamunuan ni Richard na mayor ng Ormoc naitayo ang SM Ormoc na siyempre, may mga sinehan at ipalalabas doon ang Three Words to Forever. Ang ganda kung magkakaroon ng premiere night ng movie sa Ormoc.

Speaking of Richard, pinayuhan pala nito ang mga taga-Ormoc na “not to support, not to vote those candidates that have and had ties and links to drug lords in Ormoc. Of course I showed them the pictures of these people w/ ties to drug lords.”

Pinuri si Richad sa tapang na ipakita ang mga taong involved sa drugs at nadagdagan ang mga nagdadasal na ilayo siya sa disgrasya at galit ng drug lords.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with