^

Pang Movies

PAO naglabas na rin ng ‘galit’ kay Coco!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
PAO naglabas na rin ng �galit� kay Coco!
Coco

Ang dami pa nilang kung anu-anong reactions na sinasabi sa mga statement ng PNP at ng DILG tungkol sa FPJ’s Ang Probinsyano. Talagang ganyan, kampi-kampihan, pero sana sundin na nila ang ginawa ni Coco Martin mismo na nagpakumbaba, humingi ng paumanhin at sinabing handa siyang makipag-usap sa pamunuan ng PNP para mai-correct naman kung ano ang naging pagkakamali nila.

 

Hindi kami kani-kanino, at ina­amin naming marami kaming mga kaibigang pulis. Talagang naiinis sila kung papaano sila inilalarawan sa serye. Totoong may tiwaling pulis kahit na sa tunay na buhay, pero kung iyon nang iyon ang igigiit mo, aba eh kawawa naman ang higit na nakararaming mabuting pulis na ibinubuwis ang kanilang buhay para sa bayan.

Bigyan natin ng pansin ang iba pang mga bagay. Pumalag na rin si PAO Chief Persida Acosta dahil ginamit daw ang logo ng PAO nang walang pahintulot, at lumabas na ang abogado ng PAO sa kuwento ay takot sa mga matataas na opisyal. Sinabi rin niyang nakakasira iyon sa imahe ng PAO, kahit na inamin niyang nanonood din siya ng Probinsyano at paborito si Coco Martin.

Sa serye, talagang ang ginagamit nilang pangalan ay Philippine National Police. Ang costume ng mga character ay tunay na uniporme ng pulis. Kaya hindi mo rin masasabi na iyan ay purely fiction. Eh ‘di sana tinawag na lang nilang Police Department nang hindi binabanggit ang PNP, o kaya naman ang uniporme ay iniba nila. Siguro ang kanilang creative at production team, ginawa ‘yun para lumabas na makatotohanan ang lahat, pero hindi sila aware na may batas na nagbabawal ng paggamit ng logo at uniporme ng pulis o ng military kahit na sabihin mong TV show lamang iyan. Iyon ngang magsuot ka ng ganyang uniporme kahit na sa isang costume party lang puwede kang hulihin eh.

Kaya nga may basehan ang DILG sa sinabi nilang maaari silang magharap ng kasong legal. Huwag na nating paabutin sa ganoon. Ang daming nanonood ng Probinsyano. Ano ang mangyayari kung magkaroon ng kaso at pansamantalang ipatigil ng korte ang pagpapalabas ng show? Ayusin na lang iyan. Mali na nga eh, ayaw pa ba ninyong ituwid?

Rayver mas swak sa primetime

Ilang araw na naming napapanood ang Asawa Ko, Karibal Ko, at sa totoo lang, napansin namin na magaling ang acting ni Rayver Cruz. Hindi namin siya nakita nang ganyan noong araw eh, puro sayaw at pagpapa-cute lang ang ipinagagawa sa kanya. Sa totoo lang ngayon lang yata siya nabigyan ng medyo matured role, at magaling siya.

Sayang dahil nasa afternoon slot lamang siya. Mas mapapansin nga siguro iyon ng mga tao at mas magiging mabilis ang kanyang transformation bilang isang tunay na actor kung nasa primetime siya. Sa totoo lang, wala nang matinding leading man ang GMA ngayon at palagay namin malaking tulong sa kanila ang paglipat doon ni Rayver.

Aktres hindi matanggap na magpa-flop ang pelikula

Masama raw ang loob ng isang aktres dahil mismong mga production insider pa ang nagsasabing nangangamoy flop na naman ang ginawa niyang pelikula. Eh ano nga ba ang magagawa mo kung iyon naman ang totoo? Iyang mga production insider kasi, alam na nila kung ano ang pelikula nilang kumita, at alam din naman nila kung ano ang nakatakdang maglagay sa panganib ng inaasahan nilang Christmas bonus.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with