Paikut-ikot na ang kuwento!
MANILA, Philippines — Parang pigang-piga na ang istorya ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Pabalik-balik na raw ang istorya nito na ngayon ay papunta na naman ang istorya sa kabundukan kung saan naroon si Eddie Garcia at naghahasik na naman ng lagim against Coco at sa Vendetta.
May mga nagtatanong, bakit daw hindi magpakita sa press people si Rowell Santiago para malamang buhay pa ang pangulo at peke lang ang pag-upo ni Edu Manzano?
Bilang pangulo marami siyang kontak para sabihing buhay pa siya at huwag palaganapin ang pamiminsala ng tropa ni Edu.
VM Joy maganda ang PR
Masaya ang birthday celebration ng bagong Sto. Domingo, Quezon City barangay chairman na si Michelle China Yu noong November 12 na ginanap sa barangay hall.
Si Michelle ang eldest daughter ng actress na si Amanda Amores at ng ngayon ay number one kagawad na si Richard Yu. Dumating kasi sa party at nakipagsaya si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.
Umagaw ng pansin sa marami ang magandang pr ni Vice Joy. Hindi maaawat ang dami ng mga gustong makipag-selfie.
Pulos senior citizens ang napansin naming nagpapaligsahan sa pagsasayaw ng ballroom dancing. Walang pagod sa pag-entertain ng mga bisita si Amanda.
Personal…
Birthday greetings sa mga November born stars na sina Jolina Magdangal, at Tita Midz Siguion-Reyna. Ganundin kina Jasmine J. Nicolas at Renzo Siapco ng Balagtas, Bulacan na pagbati galing kay Boy Silverio.
Happy birthday din kina Mrs. Nelia Inoncillo ng Batangas City, Arnold Esguerra ng Pulilan, Bulacan, Marivic Salvador Faronda, at Cris Sta. Anak ng Subic, Baliuag.
- Latest