^

Pang Movies

Megan at Mikael, tumangging magpa-daring sa pelikula

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Megan at Mikael, tumangging magpa-daring sa pelikula
Megan

Aakalain mo bang tatanggihan ni Megan Young ang isang pelikula dahilan lamang sa required siyang gumawa ng kissing scenes at love scenes na ang kapareha niya ay ang boyfriend niyang si Mikael Daez? Gaano ba katindi ang mga nasabing eksena kung kaya minarapat na lamang ng dating Miss World na iwan ang isang film project? Kasing tindi ba ito ng nag-trending na halikan nina Angel Aquino at Tony Lubrasca sa Glorious o ang mas milder na version nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio sa Wet & Wild?

 

Pinalitan sina Megan at Mikael nina Beauty Gonzales at Enzo Pineda na walang problema na gawin ang mga nasabing pagpapaseksi.

Filipino language dapat ipagtanggol

Hindi nga ba type ng mga Pinoy na matutong maging maalam sa Philippine Literature at sa wastong pagsasalita ng Tagalog? Wala kasing masyadong pumiyok sa desisyon na huwag na itong ituro sa mga mag-aaral sa elementarya at high school. Okay na sa kolehiyo dahil ‘yun lamang may gusto dito ang kailangang kumuha ng kurso. Nakakalungkot dahil mas dumarami ang mas gustong matuto ng lenggwahe ng mga taga-Japan, Spain, China, at lalo na ng Korea.

Marami pa rin ang pinalalaking English speaking ang mga anak nila para mas madaling makakuha ng trabaho in the future. Ang pinaka-importante, makatawid sa ating komunikasyon sa hindi natin kalahi for obvious reason din.

Maja nakakatiis na walang lalaki!

Ngayon lamang nagbubunga ang magandang performance ni Maja Salvador sa Wildflower. Tinanghal siyang Best Actress in a Leading Role sa 2018 Asian Television Awards. Wala pang kasunod na serye si Maja pero, naging abala siya sa paggawa ng movie at pagpapaunlad ng kanyang singing career

Hindi lang walang series si Maja, wala rin siyang lovelife. Hindi kapani-paniwala dahil ngayon pa lamang lumalabas ang pagiging ligawin niya. Kaya nakapagtataka lamang na nagawa niyang mamintina ang pagiging isang single girl niya.

Regine sinugod ang lahat ng show ng Dos

Walang alinlangan na si Regine Velasquez-Alcasid ang maituturing na Kapamilya woman of the season. Siya lamang marahil ang nag-iisang artista na bumalik o lumipat ng ABS-CBN na binigyan ng ganun kabonggang pag-welcome. Halos lahat ng programa ng Kapamilya, live man o taped, ay andun siya, sa It’s Showtime, Tonight with Boy Abunda na dalawang gabi siyang tampok.

Sa Magandang Buhay ay isang linggo siyang guest, hindi lamang siya kundi maging ang buo niyang pamilya, si Ogie Alcasid at ang anak nitong si Leila, ang anak nilang si Nate, ang kanyang ina, mga kapatid at kaibigan, pati rin ang bayaw niyang si Raul Mitra na siyang nag-akumpanya sa mga musical numbers na ginawa niya.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with