^

Pang Movies

Sanya hindi na priority na magka-korona

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sanya hindi na priority na magka-korona
Sanya

Kung noon daw ay nasa pangarap ni Sanya Lopez ang sumali ng Bb. Pilipinas pageant, ngayon ay hindi na raw niya iyon priority dahil maganda na ang tinatakbo ng career niya sa GMA 7.

 

Pero paminsan-minsan daw ay naiisip niya kung ano kaya ang mangyayari kung sakaling sumali siya?

Kontesera raw kasi si Sanya noong hindi pa siya nag-aartista. Halos lahat daw ng mga beauty pageant sa Bulacan kung saan siya lumaki ay sinalihan niya. 

“Para naman sa akin, mas importante sa ngayon ay ‘yung may career ako at kumikita ako. Thankful ako sa paniniwala nila Mama Jonas sa akin, pero may commitment ako sa pamilya ko. Gusto ko munang makaipon at matupad din ang dream kong maging isang leading lady,” diin pa ni Sanya.

Pero nagpapasalamat si Sanya sa magandang sinabi sa kanya ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Kung ready na raw siyang sumali sa Bb. Pilipinas, tutulungan daw siya nito.

Naudlot na dirt man ni Stan Lee, itutuloy ng anak

Binalita ng anak ng yumaong Marvel Universe creator at comic legend na si Stan Lee na nasa gitna ito ng paglikha ng bagong superhero bago ito naospital at pumanaw.

Ayon kay J.C. Lee, in the works na raw ang pag-develop sa bagong Marvel superhero na tatawagin sana bilang Dirt Man.

Pero nahinto nga ang pag-asikaso ng 95-year old legend dahil sa kanyang sakit hanggang sa mamaalam na ito noong nakaraang November 13 sa Cedar Sinai Hospital in Los Angeles, California. Nasabi pa ni J.C. na siya na ang magtutuloy sa bagong superhero character na sinimulan ng kanyang ama. 

Sa pakikipag-usap ni J.C. with TMZ, very interesting daw ang bagong nilikhang hero ni Stan Lee na si Dirt Man. Pero wala pa siyang nire-reveal kung ano ang powers nito. 

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with