^

Pang Movies

Sam pinagbantaang papatayin!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sam pinagbantaang papatayin!
Sam

Ni-reveal ni Sam Milby na nakakatanggap siya ng death threats mula sa fans dahil sa pagganap niya bilang Ace sa teleseryeng Halik.

 

Sa interview ng push.com, Sam was quoted as saying, “Grabe ‘yung ano, the reaction of people. I think people just really can relate to it a lot. And yeah, I have some death threats, though.”

Pero sa kabila nito ay aminado naman si Sam na masaya siya dahil ibig sabihin lang nito ay effective siya bilang kontrabida sa nasabing serye.

“People are just venting out their frustrations about the show, sometimes attacking me as a person, not a character. But yeah, I’m happy that people are affected,” sabi pa ni Sam.

By the way, isa ang aktor sa mga Kapamilya stars na nag-renew ng kanilang kontrata sa network last Thursday along with Kim Chiu, Arjo Atayde, Erich Gonzales, Alex Gonzaga, Toni Gonzaga, Cristine Reyes, Billy Crawford, Gerald Anderson, Elisse Joson, Jobert Austria at Ogie Diaz.

Angel inangkin na si Tony

Masayang-masaya ang mga bida ng digital movie na Glorious na sina Tony Labrusca at Angel Aquino sa umaapaw na pagsuporta ng kanilang mga celebrity friends sa ginanap na special screening last Thursday sa Santolan Town Plaza.

Star studded ang event dahil sa pagdalo ng malalaking artista sa pangunguna nina Coco Martin and Vice Ganda, no less!

Dumating din si Yassi Pressman at marami ang kinilig sa mga larawan nila ni Coco sa social media dahil magkatabi sila sa upuan.

Bukod kina Coco at Yassi ay dumating din ang iba pang co-stars ni Angel sa FPJ’s Ang Probinsyano na sina Ryza Cenon, Mark Lapid, John Arcilla at Rowell Santiago. Spotted din ang mag-asawang sina Ice Seguerra and FDCP Chairperson Liza Diño, Jane Oñeiza, Vina Morales, JC Santos, among others.

Present din of course ang director ng Glorious na si Coney Macatuno na inulan ng katakut-takot na pagbati after the screening.

Sa interview before the screening ay nagpapasalamat ang dalawang bida sa pagsuporta ng mga Kapamilya star pati na rin sa mainit na pagtanggap ng netizens sa movie base sa milyun-milyong likes sa trailer.

Natanong nga ang dalawa sa reaksyon nila na may TonGel fans na ngayon at parehong happy naman sila sa idea.

Natanong din si Angel kung ano ang masasabi niya na napakaraming naiinggit sa kanya dahil naka-love scene niya si Tony at natatawang sabi ng aktres, “Alam ko, My God, I know, a lot of people want to be in my shoes right now and while I was filming the movie, well, guys, eat your heart out because Tony is mine. At least for now.”

When asked kung paano siya inaalagan ni Tony, ayon sa aktor ay siya raw ang nagsilbing blanket kay Angel na sinang-ayunan naman ng aktres.

“Yes, literal, may human blanket ako. Talaga. Ang lamig kasi sa Baguio (where the film was shot), he was my human blanket when were doing our love scenes,” ani Angel.

Tumatalakay ang Glorious sa isang May-December affair at hindi naman nagsisinungaling ang trailer sa ipinakitang steamy scenes nina Tony at Angel. Talaga namang umaatikabo ang kanilang love scenes at sa totoo lang, first time naming napanood si Angel na ganito ka-daring. She was so beautiful in the movie and so hot, you’d never think na 45 years old na siya.

Magsisimula na itong mapanood on a live streaming worldwide ngayong araw na ito, Nov. 17 sa iWant ang bagong streaming service ng ABS-CBN.

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with