^

Pang Movies

Dingdong nate-tense kay Dennis!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dingdong nate-tense kay Dennis!
Dingdong Dantes, Dennis Trillo

Sobrang excited ni Dingdong Dantes na makatrabaho si Dennis Trillo sa Cain at Abel dahil aniya, noon pa ay hanga na siya rito bilang isang mahusay na aktor.

Sa sobrang husay nga raw ni Dennis, aminado si Dong na may mga pagkakataon na nate-tense raw siya kapag papunta siya sa set.

“May mga times na mate-tense ako bago duma­ting sa set kasi alam kong si Dennis. Gaya ng sabi ko, nasundan ko ‘yung mga trabaho niya. I know he always comes in prepared, so, parang kinakabahan ako na ayokong magkamali dahil siyempre, si Dennis ‘yung nandu’n. Eh minsan, nagkakamali ako, ‘sorry, sorry pare’,” kwento ni Dong.

Coco nanghingi ng pasensiya sa PNP

Humingi na ng dispensa si Coco Martin sa kanyang Instagram account matapos mag-react si Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Aba­yalde na nagbibigay daw hindi magandang impresyon ang serye sa mga kapulisan.

Ipinost ni Coco ang disclaimer ng FPJAP na ipinapakita at the start of the show na nagsasaad na kathang isip lamang ang mga pangalan, karakter at insidente sa programa at hindi nagpapakita ng totoong tao, organisasyon, lugar o kaganapan.“Masyadong hindi na pangkaraniwan na nangyayari and it gives us a bad impression actually. It’s a bit unfair sa PNP when you portray yung mga ganung activity that doesn’t really happen sa organization naming.

“It’s very disturbing and para kasing ang nakikita ng mga tao na parang instant yung justice, parang it’s okay. It’s not. We are a nation of laws not of men,” ang ilan sa mga lumabas na pahayag ni Abayalde.

Sa caption, sinabi ni Coco na, “pasensiya na po!”

vuukle comment

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with