Luis, Jessy
Luis ‘partner in life’ na ang turing kay Jessy!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 15, 2018 - 12:00am

Travel buddy at partner in life na ang tawag ni Luis Manzano sa girlfriend na si Jessy Mendiola. Tila wala nang dahilan pa para silang dalawa na ang magkatuluyan, huh!

Kagagaling sa Okinawa, Japan nina Luis at Jessy. Sa bakasyon nilang ‘yon, ipinakilala ng aktres ang boyfriend sa kanyang pamilya. ‘Yun ang naging rason kung bakit hindi sila nakasama sa Christmas plug ng kanilang network.

‘Yun nga lang, baka matagalan pa bago magpakasal sina Luis at Jessy dahil may bagong show na naman ang TV host-actor habang si Jessy ay mabenta ngayon sa paggawa ng pelikula.

Bukod sa filmfest entry ni Jessy na The Girl in Orange Dress, ginagawa niya sa Regal ngayon ang movie na Stranded kapareha si Arjo Atayde at meron pa siyang isang movie with Derek Ramsay.

Kris walang planong mag-adjust sa bashers!

Inalmahan ni Kris Bernal ang bashers niya dahil sa mga pangit na komento sa posts niya sa Instagram. Nag­litanya siya ng mahabang post bilang tugon sa bumabanat sa kanya sa kanyang Instagram story.

“To those people who judge and criticize me harshly, you might want to start purifying your thoughts and cleansing your own inner world.

“This is me. This is my life. And you don’t even know how I live my life ach and everyday.

“You judge me as if you know everything? You judge me by what you only see on TV or the internet.

“God knows me best more than anyone of you. He is the only one who has  all the right to pour criticisms on me!

“Unfollow me. I won’ta djust for you!” hamon ng bida ng Kapuso afternoon series na Asawa Ko, Karibal Ko.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with