^

Pang Movies

Scarlet credible endorser na agad

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Scarlet credible endorser na agad
Scarlet Snow

Gandang-ganda ako sa mga photos ng Belo/Kho family sa Japan.

Imagine si Scarlet Snow isa nang ambassador para makita ang Southern Japan. Bongga three years old, travel ambassador na.

Talagang very lucky baby si Scarlet na sa murang edad ang dami nang followers sa kanyang Instagram account at naniniwala sa mga endorsement niya.

At mapili sila Hayden at Vicki sa mga puwedeng gawin ni Scarlet, iyon gusto lang niya, iyon talagang pag tinanong mo si Scarlet sasabihin niya na gusto niya dahil ayaw nila magsinungaling ang bata.

Saka ayaw ni Hayden mahirapan si Scarlet, gusto niya enjoy ito sa ginagawa.

Now dahil kay Scarlet alam na ng lahat na sa Southern Japan you will enjoy so many things at mga tourist may makikitang bago.
Wow Scarlet next time sama mo kami ha, para enjoy din kami?

Dennis kabisado ang lumang kuwento ng Cain at Abel

Nasagot sa presscon ng Cain at Abel ang tanong ng fans kung sino kina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang gaganap na Cain at Abel.

Wala ang correct answer dahil iba ang mga name nila sa bagong primetime show ng GMA-7 na mag-uumpisa sa November 19.

Daniel Anthony ang pangalan ng karakter ni Dingdong at Miguel Anthony alyas Elias naman ang name ni Dennis sa Cain at Abel.

Cain at Abel ang title ng programa dahil inspired ang plot nito sa Book of Genesis ng Holy Bible story tungkol sa magkapatid na Cain at Abel. Tragic ang kuwento sa Book of Genesis dahil pinatay ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel.

Sina Phillip Salvador at Christopher de Leon ang mga bida sa 1982 movie na Cain at Abel pero iba ang istorya nito sa teleserye na tinatampukan nina Dennis at Dingdong.

Alam ni Dennis ang kuwento ng lumang pelikula nina Ipe at Boyet dahil may kopya siya ng Cain at Abel na napanood niya at isa sa kanyang mga favorite movie.

Sina Don Michael Perez at Mark Reyes ang mga direktor ng Cain at Abel.

Inumpisahan lang ni Mark ang ilang mga eksena dahil may ibang teleserye project siya sa GMA 7, ang Inagaw Na Bituin.

Nagsimula na ang taping ng Inagaw Na Bituin kaya kumuha ng bagong direktor para sa Cain at Abel, si Toto Natividad na former director ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Bale sina Don Michael at Toto ang mga direktor ng Cain at Abel.

Ipinaubaya kay Don Michael ang mga dramatic scene at ipinagkatiwala naman kay Toto ang direksyon ng mga bonggang action scene ng action drama teleserye nina Dennis at Dingdong.

Si Solenn Heussaff ang leading lady ni Dingdong sa family action drama. Si Sanya Lopez naman ang love interest ni Dennis.

Malandi ang role ni Solenn dahil caught in the act siya ni Dingdong na nakikipagtsugihan sa ibang mhin na ginampanan ni Fabio Ide.

Martir na girlfriend ang karakter ni Sanya na nakipaghiwalay kay Dennis dahil sa kakatihan ng kamay nito. Magnanakaw with a good purpose ang role ni Dennis sa ipinagmamalaki ng Kapuso Network na primetime show.

vuukle comment

SCARLET SNOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with