^

Pang Movies

Mag-asawang Billy at Coleen, nganga ang career?!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Mag-asawang Billy at Coleen, nganga ang career?!
Billy, Coleen

Miss na miss na ng fans niya si Billy Crawford. Ramdam na ng supporters niya ang pagkawala niya sa It’s Showtime na ang ibinigay niyang dahilan sa pag-iwan dito ay magku-concentrate muna siya sa kanyang singing.

Sayang nga naman ‘yung magandang nasimulan niya sa abroad, specifically sa France kung hindi niya ito maipagpapatuloy. Mabuti naman at nakasama siya sa 400 Kapamilya artists na kasali sa Christmas ID ng ABS-CBN, maaalala nila siyang muli. Tila sumasama naman sa pagkawala niya ang misis na si Coleen Garcia na nauna nang mawala sa It’s Showtime. Hindi man nakakapag-host sa TV ang misis ni Billy, sana ay mabigyan ito ng mga acting projects sa mga serye ng Kapamilya dahil magaling naman itong artista, at maganda na ay daring pa.

Pia ayaw ng kasal kay Marlon!

Sumuko na rin sa social media si Pia Wurtzbach at ang boyfriend niyang si Marlon Stockinger. Okay lang kung paniwalaan ng netizen ang balitang madalas na pagbi-break nila ni Marlon  dahil lang sa nag-unfollow na sila sa isa’t isa. Ang mahalaga ay mas natahimik sila at hindi na nabibiktima ng fake news.

Isa ang dating Miss Universe sa nagbigay ng interview kay Boy Abunda sa anibersaryo ng Tonight with Boy Abunda. Sa nasabing programa inamin ni Pia na mas strong ang relationship nila ni Marlon pero, wala pang kasalan siyang nakikita in the very near future.

Dennis at Dingdong pressured na kay Coco

Malaking pressure ang kakaharapin nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes na ang bago nilang serye sa GMA7 ay makatapat ng tatlong taong serye ni Coco Martin sa ABS-CBN.

Tiwala naman sila na may malakas silang panlaban sa kuwento ng pulis patola na hindi mamatay-matay at tatlong taon nang namamayani sa ere. Marami na rin kasing serye ang itinapat sa programa ng itinuturing na Hari ng Primetime ng Kapamilya pero, never itong natinag sa kanyang posisyon. Tila hindi nababahala ang Ang Probinsyano na bukod sa dalawang hari ng Cain at Abel ng Kapuso ay may dalawa pang seksing babae at magagaling na beteranong artista ang makakatapat ni Coco.

Loisa naranasang tumira sa sementeryo

Si Loisa Andalio ang bibida sa episode sa Sabado (Nob. 17) ng Maalaala Mo Kaya. Gagampanan niya ang role ng isang kabataang babae na nakatira sa loob ng sementeryo kasama ng kanyang pamilya. Tumutulong siya sa kanilang kabuhayan sa pagbebenta ng bulaklak at kandila tuwing Undas. Sa kabila ng kahirapan, nag-aaral siya at suportado siya ng kanyang lola sa mithiin niyang makatapos ng pag-aaral na tinututulan ng kanyang ina.

Si Gina Pareño ang gumaganap ng lola, kasama sina Yul Servo, Ynez Veneracion, Raikko Matteo, Raine Salamante, Melissa Jimenez, Yesha Camille at Miel Espinosa. Mula ito sa direksyon ni Nuel Naval, at sa panulat ni Benson Logronio. 

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with