Naaksidente habang kinakantahan ang presidente, Eddie may bakal sa tuhod
Eddie Gutierrez

Naaksidente habang kinakantahan ang presidente, Eddie may bakal sa tuhod

Nitz Miralles (Pang-masa) - November 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik-GMA 7 si Eddie Gutierrez sa Cain at Abel bilang ama nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo at sabi nito, “I’m happy to be back!” lalo na at ang last show niya sa GMA 7 ay Captain Barbell pa na ang anak na si Richard Gutierrez ang bida.

Kwento ni Eddie, mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga bossing ng Kapuso Network at kinumusta ang lagay niya after ng aksidenteng nangyari noong October 31, habang nasa event siya ni President Rodrigo Duterte.

Habang kumakanta ng Blue Suede Shoes, hindi maganda ang pag-ikot niya at bumagsak siya sa stage.

“Ang left side ng ulo ko ang bumagsak, nagka-black eye ako sa dalawang mata ko, but more sa left eye ko. Akala nila nag-crack ang skull ko. Gusto ni Duterte dalhin ako sa ospital, isakay sa ambulance niya.  Pero okay naman ako, nagkabukol at black eye at na-twist ang tuhod,” kwento ni Eddie.

Kinailangang operahan sa kaliwang tuhod si Eddie. Mahaba ang tahi sa tuhod niya na umabot sa hita at kinailangan siyang lagyan ng titanium.

Sa Monday na, November 19, after 24 Oras ang pilot ng Cain at Abel na tungkol sa magkapatid na nagkahiwalay at maraming action scenes.

Bea-Aga movie, pasok sa Hawaii Filmfest

Ibinalita ni Bea Alonzo na official entry sa Hawaiian International Film Festival ang pelikula nila ni Aga Muhlach na First Love. Kasama ang pelikula ni director Paul Soriano sa Southeast Asian Showcase at sa November 17 ang simula ng screening hanggang November 30.

Dahil sa magandang nangyayari sa First Love, hinihintay na ang showing ng isa pang pelikula nina Aga at Bea, ‘yung kinunan yata sa Iceland at sa direction ni Veronica Velasco. Kaya lang, mauuna muna raw ipalabas ang movie nina Aga at Alice Dixson bago ang movie nila ni Bea.  

Dion, isa sa nalungkot sa pagtatapos ng VM

Nalungkot si Dion Ignacio na magtatapos na bukas ang Victor Magtanggol dahil mami-miss niya ang buong Team VM na naging pamilya na niya simula sa first day taping hanggang sa last taping day bukas din.

Lalo pang humanga si Dion kay Alden nang malaman na gusto sana nitong ma-extend kahit hanggang December ang show para masaya ang Pasko ng staff at crew.

Hindi nga lang pumuwede ang gusto ni Alden dahil naka-schedule na ang airing ng Cain at Abel. Ang sunod na ginawa ni Alden ay mag-submit ng proposal na gumawa ng Christmas Special ang binubuo ng Magtanggol family.

Hinihintay na lang ni Alden ang sagot ng management ng GMA-7 na Christmas Special.                                                                                                                                   

EDDIE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with