^

Pang Movies

Rhian gustong pahirapan ang sarili sa lamig!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Rhian gustong pahirapan ang sarili sa lamig!
Rhian Ramos

Pasok si Rhian Ramos bilang unang member ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko 2018) dahil loveless niyang palalampasin ang Christmas sa New York City.

Sa totoo lang, three months siyang mawawala ng bansa dahil mag-aaral siya sa NYC at aabutin siya ng Pasko doon.

“I’m gonna be alone!” deklara ni Rhian sa celebrity screening ng movie nila ni JM de Guzman sa Cinema 76 na pag-aari ng TBA Studios. “It’s gonna be boring because I’m gonna be alone in the middle of winter and it’s gonna be snowing and I’m gonna be cold. The apartment that I got has no heater so I’m gonna be suffering! Ha! Ha! Ha!” dagdag ng Kapuso actress.

Eh sabi raw ng kaibigan niya, brutal ang winter sa New York. “Gusto kong mahirapan eh! Ha! Ha! Ha!” rason niya.

Magkano naman nagastos niya bilang produ­cer ng movie?

“Enough! You know! But it was worth it! Kung nakahanap ako ng script na ganoon din ako ka-attached sa story eh, gagawa pa rin ako,” saad niya.

Relate na relate din siya sa kuwento. “Minsan may face blindness ako! Ha! Ha! Ha! So I really wanted this movie to happen! Ngayon, hindi ko alam ang kita dahil ngayon pa lang ang showing.

“I can just say na ang feeling na nakuha ko sa movie was worth it!” katwiran ng actress-produ­cer.

Eh kahit lutang na lutang ang kahusayan ni JM sa movie, sumabay rin si Rhian sa mga eksena nila kaya kering-keri nila ang eksena nilang halikan at lampungan na para talagang may relasyon, huh!

Ilang local celebrities nagluluksa sa pagpanaw ni Stan Lee

Apektado ang mga anak ni Manilyn Reynes at ilang local celebrities sa pagkamatay ng comic book superhero creator na si Stan Lee kahapon sa edad na 95.

Sa Instagram post ni Mane, fan na ang pamilya niya ng creations ni Lee at nagsibi siyang inspirasyon sa mga anak niyang lalaki. Ang cost player naman na si Alodia Gosiengfiao, inalala ang pagkikita nila ni Lee noong 2006.

Ilan pa sa celebrities na nalungkot sa pagyao ng super hero creator ay sina Steven Silva, Ryan Eigenmann, TV and radio host SAM YG, Joross Gamboa at iba pa.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with