^

Pang Movies

Dingdong at Dennis inaabangan kung paano magpapagalingan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dingdong at Dennis inaabangan kung paano magpapagalingan!
Dingdong Dantes

Gandang-ganda ako sa project na Dingdong Dantes at Dennis Trillo Mama Salve.

Cute iyon pagsasama ng dalawang stars na kilala sa drama prowess nila.

At gusto ko rin na parang remake ito ng unforgettable Cain at Abel nila Christopher de Leon at Philip Salvador.

Sayang nga at wala na si Lino Brocka na sana ay nakatrabaho rin ng dalawang aktor.

Pero sure ako na iba rin ang gagawing atake sa bagong Cain at Abel. Isa itong exciting project na sana magustuhan ng lahat dahil naiiba naman ang concept.

Exciting to watch how Dingdong will give his all to his role, at kung ano ang dramatic moments na aabangan sa kanila ni Dennis.

Excitement overload for this project.

Alessandra at Paolo maraming napaiyak!

Good sign ang mga naririnig ko na may mga dumalo sa premiere night ng Through Night and Day na nagpaplano na panoorin uli sa pangalawang pagkakataon ang pelikula nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis dahil gandang-ganda sila.

Isa lang ang ibig sabihin kapag ganoon ang dialogue nila, malaki ang chance na maging blockbuster ang Through Night and Day dahil sa usap-usapan na pulido ang pagkakagawa ng direktor na si Veronica Velasco sa pelikula nina Paolo at Alessandra.

Minsan ko nang sinabi sa readers ng PM (Pang-Masa) at PSN (Pilipino Star Ngayon) na magaling na direktor si Veronica dahil napanood ko ang kanyang unang pelikula, ang Inang Yaya na pinagbidahan ni Maricel Soriano.

Umiyak ang mga nanood ng Inang Yaya dahil sa mga eksena na madadrama at ganito rin ang naranasan ng mga nag-attend sa premiere night ng Through Night and Day dahil cry sila nang cry sa mga dramatic scene nina Paolo at Alessandra.

 Sporting a skinhead hairstyle si Alessandra de Rossi dahil kailangan sa mga eksena niya sa pelikula.

Ang semi-kalbo look ni Alessandra ang pinag-usapan sa premiere night dahil shocked ang lahat. Hindi nila ine-expect na ma­ga­gawa ni Alessandra na magpakalbo.

Lalong lumakas ang chemistry nila ni Paolo na dati nang skinhead ang hairstyle.

Nag-worry lang si Paolo dahil baka maging spoiler ang pagi­ging kalbo ni Alessandra sa twist ng kuwento ng kanilang pelikula. Walang dapat ipag-alala si Paolo dahil sa dami ng good reviews sa Through Night and Day, marami ang makukumbinsi na panoorin ang talk of the town movie nila.

Paring nang-molestiya kay Bea Rose hinahanap na

Hindi lang ang pagkakaroon ng chronic kidney disease ang pagsubok na pinagdaraanan ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago dahil biktima rin ito ng sexual molestation ng isang pari noong bata pa siya at naninirahan sa Masbate.

Ipinagtapat ni Bea na buhay na buhay pa ang pari na inaakusahan niya ng pang-aabuso.

Dahil sa shocking revelation ng former beauty queen, may mga nag-iimbestiga na at pilit na inaalam ang identity ng pari na tinutukoy niya.

Mainit na pinag-uusapan sa Pilipinas ang sexual harassment dahil sa reklamo ng mga kandidato ng Miss Earth 2018 laban sa isang businessman na sponsor ng international beauty pageant.

Itinanggi ng businessman ang mga paratang pero sabay-sabay na lumitaw sa social media ang mga litrato niya na kung hindi nakaakbay, naka­yakap siya sa mga kandidata.

Hindi maganda sa imahe ng Miss Earth ang mga mabibigat na akusasyon kaya nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga organizer ng beauty pa­geant.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with