Jennylyn Mercado
Jennylyn inaabangan kung ipa-partner na kay Piolo!
Nitz Miralles (Pang-masa) - November 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa muling paggawa ng pelikula ni Jennylyn Mercado sa Star Cinema, may request ang fans kung puwedeng isa kina Piolo Pascual at Jericho Rosales ang kanyang maging leading man. Si Jericho ay nakatambal na ni Jennylyn sa Walang Forever na entry ng Quantum Films noong 2017 MMFF (Metro Manila Film Festival). Successful ang tambalan na ‘yun nina Jennylyn at Jericho, kaya may nagre-request ng follow-up.

Mas marami nga lang ang excited na magtambal sina Jennylyn at Piolo at ang gusto pa nga ng fans, rom-com ang gawin nila ni Piolo para maiba naman ang mapanood nila na ginagawa ni Piolo.

Nakipag-meeting na si Jennylyn sa Star Cinema, pero ang nakita naming photos, si Mico del Rosario pa lang at ang creative team. Sa caption nang inilabas na mga litrato, ang ginamit na hashtag ay #Soon, na hindi namin alam kung ang ibig bang sabihin ay soon ang shooting o ang playdate.

JM may anggulong Piolo

Nakausap namin si Rhian Ramos sa special screening ng movie nila ni JM de Guzman na Kung Paano Siya Nawala at nabanggit niya na isa siya sa executive producers nito.

Ang nasabing pelikula ang last movie niya bago siya lumipad for New York.

Masaya si Rhian na maganda ang iniwanan niyang pelikula at umaasa siyang magugustuhan at susuportahan ito ng moviegoers.

Ayaw pa ring sabihin ni Rhian kung magkano ang share niya sa TBA Studios, Tuko Film Productions at Buchi Boy Entertainment sa paggawa ng pelikua.

“Enough investment” lang ang sagot nito kung magkano ang inilabas niyang pera. Ang importante ay masaya siya sa kinalabasan ng pelikula.

Anyway, sa amin lang ito, parang Kita Kita at Sid & Aya: Not A Love Story ang dating ng Kung Paano Siya Nawala na pag-iisipin ang moviegoers.

Pati ang theme song na ginamit sa movie nina Rhian at JM, alternative at hindi popular song, pero malaki ang potential na sumikat.

Bagay kay Rhian ang role at karakter ni Shana at muling pinatunayan ni JM na magaling siyang aktor. May mga eksena nga siyang parang si Piolo Pascual habang  aming pinapanood.

Chynna nadiskubre ang totoong Alden!

Hindi pa pala namatay ang karakter ni Chynna Ortaleza sa Victor Magtanggol, pero dahil nakuha siya ni Loki at gagawin siyang kakampi nito. Sa pagbabalik ni Chynna, hindi na siya si Lynette Magtanggol, siya na si Hel na isa sa mga anak ni Loki at makakalaban ni Victor (Alden Richards).

Isa ang twist ng karakter ni Chynna sa pasabog sa pagtatapos ng Victor Magtanggol sa Friday, November 19.

Samantala, hindi makakalimutan ni Chynna ang Victor Magtanggol dahil sa chance na makatrabaho si Alden. Dati, ang husay lang sa pag-arte ni Alden kilala ni Chynna ang aktor, after working with him sa Victor Magtanggol, mas nakilala niya ito. Mabuting tao raw si Alden at naintindihan na niya kung bakit sobrang blessed ang aktor.

Kung maaaprubahan pala ang proposal ni Alden, muli niyang makakasama si Chynna at ang ibang kasama sa Magtanggol family sa Victor Magtanggol for a Christmas Special. Nabitin si Alden na makatrabaho sina Chynna, Al Tantay, Dion Ignacio, Lindsay Johnston, Yuan Francisco at Ms. Coney Reyes, kaya gusto nitong magsama-sama sila sa isang Christmas Special.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with