^

Pang Movies

Julia nakinig sa payo ni Perla

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Julia nakinig sa payo ni Perla
Julia Barretto

Ang ganda ng impression kay Julia Barretto ng vete­ran actress na si Perla Bautista na huli niyang nakasama sa seryeng A Love To Last nina Bea Alonzo, Iza Calzado and Ian Veneracion.

Nagkita raw sila sa recent shoot for the new station ID ng ABS-CBN at mahigpit daw siyang niyakap nito. Eh, almost a year na nga naman when they worked together.

“And let’s face it,” ani Perla, “she is a much bigger star now.”

Matagal raw silang nag-usap. At ‘di raw niya akalain na ina-appreciate pala lahat ni Julia ang kanilang napag-usapan, lalo na ang mga pangaral niya rito, to keep her feet on the ground, ngayong pasikat na ito ng husto.

Julia wrote about their conversation sa kanyang social media account.

Mga katrabaho ni Diego, ayaw magsalita

Samantala, tikom naman ang bibig ni Perla sa kumakalat na balita kay Diego Loyzaga na katrabaho niya sa seryeng Los Bastardos.

Nabasa lang daw niya sa diyaryo ang nangyari rito at masaya siyang okay at ligtas naman daw ito.

“I’m praying for him,” susog pa ni Perla. “Ang ganda pa naman ng role niya sa Los Bastardos.

“And I’d say, he is a good actor.”

Equally impressed din daw si Perla sa iba pang actors sa Los Bastardos na sina  Jake Cuenca, Albie Casiño, Joshua Colet at Marco Gumabao.

Gumaganap na father ng limang bastardo si Ronaldo Valdez.

Batang may kakaibang sakit, nasa A Walk To Remember

Isa sa anim na advocacy films ng Flying High Productions ang gustung-gusto naming mapanood, ang A Walk To Remember na dinirek ni Errol Ropero.

Hango ito sa kuwento ng batang si Carl Justine Rian, 10 years old, at may bihirang disease na kung tawagin ay Duchenne Muscular Dystrophy kung saan nawawalan ng kakayahan ang isang tao na maglakad.

At heto pa, may limit lang kung hanggang kelan siya mabubuhay.

He was with his parents and only brother na normal.

According to his Mom, the boy was born normal. It was when he grew older nang umatake ang disease niyang ito.

Wish ng kanyang magulang na mamuhay siya like a normal kid habang nabubuhay pa ito.

He will be stuck in his wheelchair though, for life.

Ang The Prince of Music, My Music Hero Teacher, Mga Munting Pangarap, Science En Marsha at Sarah and Cedie ang lima pang pelikulang ginawa ni Direk Errol.

Millennials will surely find the movies educational and inspiring.

Ang kanilang purpose raw ay maipalabas ang mga ito sa iba’t ibang school sa buong bansa, in cooperation with the Department of Education.

Dingdong at Marian nakuha na ang gender ng 2nd baby

Three years old na sa November 23 ang panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia.

This early, para raw kay Zia, ang pagiging Ate raw niya ang pinakamagandang birthday gift na matatanggap niya.

Marian is now five months pregnant.

May ideya na ang mag-asawa kung ano ang gender ng kanilang magiging pangalawang anak, pero hindi pa raw nila ito ibubunyag.

“Tutal naman, ang mahalaga, maipanganak ko siyang safe,” ani Marian.

But unlike raw noong buntis siya kay Zia, medyo hirap siya sa pangalawa.

She keeps praying and hoping, like Dingdong as well, na maging normal delivery siya.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with