^

Pang Movies

Alden tanggap ang relasyon nina Maine at Arjo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden tanggap ang relasyon nina Maine at Arjo!
Alden Richards

Tanggap ni Alden Richards kung nali-link man ngayon ang ka-love­team niyang si Maine Mendoza kay Arjo Atayde.

“Para naman po sa akin, hindi naman po natin maiiwasan ang pagbabago,” pahayag ng Pambansang Bae nang makausap namin kahapon sa set visit ng Victor Magtanggol.

“So, sa ganu’n pong aspeto naman po, ako, kung saan masaya si Maine saka kung wala naman siyang ginagawang masama, susuportahan ko naman po siya,” he added.

Nag-uusap ba sila ni Maine tungkol sa personal na buhay nila?

“Honestly po, ‘yung with what’s happening po ngayon with Maine and du’n sa nili-link sa kanya, hindi po namin napag-usa­pan. Parang pag nagkikita po kami, ‘yung kung ano lang po kami, kaswal lang po,” sagot niya.

Dagdag pa ng aktor, feeling daw niya ay very private na ang ganitong bagay at hindi niya na sinasaklawan.

“Kung magkwento po sa akin si Maine, okay lang po. Kung hindi, okay rin naman po,” he said.

Pero kumusta na ang friendship nila ni Maine ngayon? Nabawasan ba compared sa dati?

“Mas okay po kami. Parang kasi nga­yon, parang walang ilangan, wala na po kami nun’g parang pressured kami to be somebody else, parang ngayon, we’re friends and we’re co-workers po sa Eat Bulaga, co-host, andu’n na po kami.”

Ano naman ang maa-assure niya sa kanilang AlDub fans ni Maine na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang tambalan?

“Up to this moment, ngayon po, ano po ba nga­yon? Nov. 12. AlDub is still here. ‘Yung loveteam po namin ni Maine, wala pong tumapos niyan or hindi naman po sinabing official na wala nang AlDub.

“There’s always a possibility, andu’n pa rin po ‘yung possibility to have projects together, to have shows together. It’s just that ngayon po nga, andu’n po kami sa exploring individually, ‘yung mga proyekto po namin as individuals.

“Pero ‘yun lang po ‘yung gusto kong i-assure sa mga fans – na hindi pa po tapos. Kasi ang dami pong naggi-give-up, ang dami pong nababasa na sabi, wala na raw, andito pa po kami, ‘wag po kayong mag-alala,” saad pa ni Alden.

Nasa finale week na ngayon ang Victor Magtanggol na magtatapos ngayong Biyernes (Nov. 16) at sa pagtatapos nito, nais magpasalamat ng aktor sa mga loyal suppor­ters niya and avid viewers ng serye lalo na nga ang mga bata na nabigyan niya ng kasiyahan at inspirasyon.

Anne at Erwan pahabaan ng greetings sa kanilang anniversary

Kahapon, November 12 ang first wedding anniversary nina Anne Curtis at Erwan Heussaff at pareho nilang binati ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram account.

Pagandahan ang anniver­sary greetings ang mag-asa­wa na kasalukuyang nasa Africa ngayon to celebrate their first wedding anniversary at para mag-honeymoon na rin.

“Just Like Hea­ven. You taught and made me believe in magic again. You took what was broken and all of its craziness, and made it whole again.
•11•12•17• Happy 1st Anniversary Mon amour. Always grateful for you and all the love you have to give. You are my little piece of heaven here on earth. Je t’aime,” ang anniversary message ni Anne.

Mas mahaba naman ang greetings ni Erwan and very touching.

“Married for a year. Nothing has changed yet everything is different. The one constant I keep is to make sure that you will always be this happy with us. No matter what happens around us or where we are in life, we will eventually be smiling through it. That smile can stop time for me. A giggle that towers above all else, puts everything in perspective and reminds me to not take everything so seriously.

“We are nowhere near the mid point of our story, but I don’t think we have penned a particular destination or ending in mind. Instead of walking to something, we are happy roaming side by side, content, wandering towards the unknown, just loving life with each other.

“A conversation, not always spoken, that never really ends, falls asleep on us and just rolls over to the next morning with fresh espressos and dream analyses.

“Married for life,” ang nilalaman naman ng anniversary message ni Erwan para sa asawa.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with