^

Pang Movies

Miley Cyrus at Gerard Butler biktima ng wildfires sa Amerika!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Miley Cyrus at Gerard Butler biktima ng wildfires sa Amerika!
Miley Cyrus

Malungkot ang Hollywood actor na si Ge­rard Butler at ang Ame­rican singer na si Miley Cyrus dahil kabilang ang bahay nila sa tinu­pok ng wildfires sa South California.

Kahit insured ang bahay at lahat ng mga kagamitan nina Miley at Gerard, hindi na maibabalik ang mga ari-arian na may sentimental value sa kanya at sa pamilya niya pero mas mahalaga na ligtas sila sa kapahamakan.

May mga rich Pinoy na nakatira sa Malibu, Hollywood Hills at Calabasas na apektado ng wildfires. Lumikas na sila mula sa kanilang mga tahanan pero hindi nawawala ang pag-asa nila na hindi matutupok ng apoy ang mga naipundar na bahay.

Ipinagdarasal ng mga residente ng affected ­areas na huwag nang lumakas ang hangin para hindi na sumiklab ang apoy. Kabado sila dahil sa advice ng firefighters at police authorities na malakas ang hangin sa mga nasabing lugar mula Linggo hanggang Martes.

Mga residente rin ng mga sosyal na village sina Cher, Lady Gaga, ang pamilya ng Kardashians.

Young actress natsitsismis na nabuntis ng young actor

Missing in action ang young actress kaya na­tsitsismis na buntis siya at ang sikat na aktor ang pinaghihinalaan na ama.

Never na inamin ng dalawa ang pagkakaroon ng relasyon pero marami ang sumusumpa na going strong ang pagmamahalan nila.

Paulit-ulit ko na sinasabi na walang sikreto na puwedeng ilihim sa showbiz. Kung true or false ang balita na buntis ang aktres, sure na lalabas ang katotohanan, sooner or later.

Jolo natapos na sa Harvard!

Congrats kay Jolo Revilla dahil natapos na niya ang kanyang short course sa Harvard Kennedy School ng Harvard University.

Anytime soon, puwede nang bumalik sa Pilipinas si Jolo dahil nakumpleto na nito ang Leadership course na magagamit niya sa kanyang panunungkulan bilang bise-gobernador ng lalawigan ng Cavite.

“Finally received my certificate of completion for my stint in Harvard. I can feel the euphoria of accomplishing something I’ve worked hard for,” ang good news na ibinahagi ni Jolo sa kanyang fans and supporters na looking forward sa pagbabalik niya sa bansa.

Richard mabenta ang dialogue sa Fantastica

Pinag-uusapan ang trailer ng Fantastica, ang official entry ng Viva Films at Star Cinema sa 2018 Metro Manila Film Festival dahil pang-tunay na buhay ang mga dialogue nina Vice Ganda, Jaclyn Jose, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez tungkol sa pagiging Kapamilya, Kapuso at Kapatid nila.

Bentang-benta sa mga Pinoy ang sinabi nina Jaclyn at Dingdong sa isang eksena na mga Kapuso sila. Humirit naman si Vice na Kapamilya siya pero pinaka-winner ang linya ni Richard na Kapuso, Kapamilya at Kapatid ito dahil nagkaroon din siya ng show noon sa TV5, ang Ang Panday.

Ang Fantastica ang inaasahan na top-grosser sa film festival na magsisimula sa December 25 pero mahirap magsalita nang tapos dahil positive din ang mga feedback sa Jack Em Popoy, ang official entry nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin sa MMFF sa susunod na buwan.

vuukle comment

MILEY CYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with