^

Pang Movies

Maine inaakusahang rebound girl, Arjo tinatawag na matandang Alden!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Maine inaakusahang rebound girl, Arjo tinatawag na matandang Alden!
Maine, Arjo

Matapos ilantad ang pagsasama sa Bali

Pinatandang Alden Richards ang tawag ng mga bitter na fans ni Maine Mendoza kay Arjo Atayde na sinasabing ‘special friend’ ngayon ni Maine.

Ito ay matapos mag-upload si Maine sa kanyang social media account ng photo na kuha sa Bali, Indonesia kahit na nga wala naman siyang banggit kung saan ‘yun. “keep swinging” lang ang caption niya habang nasa swing.

Ilang beses nang spotted na nagdi-date sina Maine at Arjo na mas lumakas pa ang hinalang sila na nang makita si Maine sa Bali nga kung saan nag-celebrate ng birthday si Arjo kasama ang buong pamilya.

May mga nag-aakusa naman kay Maine na baka rebound girl lang siya ni Arjo bilang hindi pa natatagalan nang ma­kipag-split ang  actor kay Sammie Rimando, na member ng GirlTrends ng It’s Showtime.

Magkasama ang dalawa sa pelikulang Puliscredibles starring Coco Martin and Vic Sotto at doon diumano nagsimula ang closeness ng dalawa.

Vic at Pauleen n akalampas na sa seven-year itch

Wow naka-pitong taon na pala ang relasyon nina Vic Sotto and Pauleen Luna.

Lampas na sila sa sinasabing seven year itch or pasok pa ba? Pero walang duda naman na may forever sa kanila base sa pinapakita nilang pagmamahalan sa isa’t isa.

 “ 7 beautiful years. 7 years later, we now have bigger tummies, wider smiles, an extra heavy arm candy and happier hearts. I’m glad to have spent 7 amazing years with this man. Nothing’s really changed, we still say I Love You to each other everyday and we’re just better versions of ourselves. Happy to be co parenting with you, @mzet280 ♥? and I’m grateful to God for all of our days together! i love you, always and forever! Happy 7th anniversary!” ang pagbati ni Mrs. Sotto sa mister na 35 years older sa kanya.

Ang cute cute ng anak ng mag-asawang si Tali na ang description nga ni Nay Lolit Solis na manager ni Pauleen ay kasing bigat ng isang kabang bigas dahil sa katabaan.

Ngayon ay sumusubok na raw ang mag-asawang magka-baby na uli.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with