Mel Tiangco
Mel ipinagdiinang wala silang away ni Korina
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 8, 2018 - 12:00am

Ipinagdiinan ni 24 Oras news anchor na si Mel Tiangco na wala silang away ni Korina Sanchez.

Nang makausap siya ng press para sa 6th anniversary ng Kapuso weekly drama na Magpakailanman, kinuwento niyang nagkita pa sila ni Korina sa Rome ilang taon na ang nakararaan.

“Korina is my friend. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yon? Teka, the last time I saw her was in Rome. ‘Tita Melllllll’ sabi niya. May picture kami.

“’Yun ‘yung sainthood ni John Paul II? ‘Yun ba? Ang sweet-sweet pa nga niya. ‘Ay, teka muna. Picture muna tayo!’ This story happened in front of the Vatican. Malaking-malaking plaza ‘yon, diba?

“Ang layo ko. From there, ‘Mama Mellllll!!!!’ Tapos, tumatakbo siya. Picture kami. Tapos, nakita ko ang iPad niya. ‘Hoy, bakit basag ang iPad mo? Hindi maganda sa Chinese ‘yan! Bumili ka nga ng bago!’ Tawa nang tawa. Basag ‘yung salamin niya,” chika niya at saka ipinakita ang lirato nila ni Korina sa Rome na magkayakap.

Marami kasi ang nag-iisip na magkagalit sila.

“I would always deny it! Hindi galing sa akin kung anuman ‘yon,” diin niya.

Sa dami ng episodes na nagawa ng hinu-host niya sa weekly drama, tumataba ang puso ni Tita Mel kapag lumalabas siya at naririnig niya ang tao sa pagkanta ng theme song ng MPK.

This month ang simula ng anibersaryo ng programa kung saan tampok ang espesyal na episode na pagbibidahan ng magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz.

Joel dumating na ang pang-walong anak galing Russia!

May bago na namang baby ang negosyanteng si Joel Cruz.Take note na pangwalong anak na niya ito at sa Russia rin isinilang tulad ng iba niyang babies.

Dumating kay Joel ang baby last November 6 at agad niyang pinost ang pic ng bata sa kanyang Instagram.

Kamakailan, nagbaka­syon si Joel sa Japan kasama ang kanyang mga anak. Isinama niyang lahat ang mga yaya ng bata sa bakasyon nila.

Open secret kung paano nagkaroon ng maraming anak ang tinaguriang Lord of Scents.

MEL TIANGCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with