Jinggoy Estrada
Jinggoy Estrada
Jinggoy ayaw pang mangampanya
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 7, 2018 - 12:00am

Sa isang interview sa Teka Muna on DZMM last Saturday ni Pat P. Daza with former Senator Jinggoy Estrada, nabanggit ng senador na okay lang sa kanya kung siya at ang kanyang half-brother na si Senator JV Ejercito ay parehong tatakbo sa May 2019 elections.

Deretsahang tinanong ni Pat P. kung sino sa kanilang dalawa ni Sen. JV ang sa tingin niyang susuportahan ng kanilang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada na tatakbo rin para sa kanyang pangatlong termino. Ang maliksing sagot ni Sen. Jinggoy : depende na ‘yan sa desisyon ng kanilang ama.

Common knowledge naman at based on newspapers and radio interviews, plus TV reports na lumayas si Sen. JV sa partido ng kanyang ama na Pang-Masa.

Si Sen. Jinggoy naman ay mananatili sa partido ng kanyang ama at anumang advocacy meron ito, no matter what.

Sa ngayon, hangga’t hindi pa raw nagbibigay ng go-signal ang Comelec na puwede nang mangampanya, he will remain calm and collected muna.

Ito rin daw ang advice niya sa anak na si Janella Ejercito, who is running for San Juan Mayor.

Si Janella ang kasalukuyang Vice Mayor ng nasabing siyudad.

Paolo gusto na uling magpaka-busy

Dalawa pala ang pelikula ni Paolo Contis na ipalalabas bago matapos ang taon.

Ito ay ang Through Night and Day kung saan gumaganap siya bilang leading man ni Alessandra de Rossi, at ang Pangarap Kong Holdap na movie naman nila nina Jerald Napoles, Jelson Bay at Pepe Herrera.

Naka-schedule nang i-release sa November 14 ang Through Night… habang sa November 17 naman ang Pangarap Kong…

Ayon kay Paolo, maganda ang role niya sa parehong pelikula kaya naman inspired daw siyang gawin ito. Besides, para na rin daw mapansin ng producers ang performance niya para mabigyan pa siya ng maraming projects.

“Naging kampante ako where my showbiz career was concerned ng mga nakalipas na araw. Okay lang sa akin if I get an assignment or not. Pero ngayon, I want to be seriously busy,” susog pa ni Paolo.

Of Through Night and Day, bonus para kay Paolo na kinunan ang karamihan sa mga eksena ng pelikula sa Iceland. Ngayon daw, may maipagmamalaki siyang may ginawa siyang movie na ang backdrop ay ibang bansa.

Well, keep up the good work Paolo.

Bunso ni Ate Vi mas mahilig sa politics kesa kay Luis

Ikinukunsidera pa rin si Lipa Representative Vilma Santos-Recto na Star for all Seasons sa showbiz industry.

Did we hear it right na ang halaga raw ng combined assets nila ng kanyang asawa na si Senator Ralph Recto sa kanilang SALN (Statements of Assets and Liabilities) ay umabot na sa more than half a billion peso.

Ate Vi is running for re-election bilang Lipa City Rep. again sa May 2019 elections.

Samantala, sa dalawang anak daw niya na sina Luis Manzano (anak niya kay Edu Manzano) at Ryan Christian Recto, si Ryan daw ang mas kinakikitaan niya ng hilig sa politics. Ryan will soon graduate from his college course in a university abroad.

Of Edu, tatakbo rin siya bilang Congressman ng San Juan City.

More on sa pagne-negosyo naman naka-focus si Luis, bukod kasi sa pagiging host nito sa I Can See Your Voice, may-ari rin ito ng mga kainan at taxi.

JINGGOY ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with