^

Pang Movies

Rico bata pa lang nakita nang sisikat

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Rico bata pa lang nakita nang sisikat
Rico J. Puno

Buti naman at hindi tayo inulan sa katatapos lang na pista ng mga patay!

Speaking of araw ng mga patay, sa mga naulila ng singing icon na si Rico J. Puno, condolence po!

Iyang si Rico, bago pa lamang sa music industry, tiga-Balic-Balic, Sampaloc na kalapit ng kalsada namin. That time pakanta-kanta na rin siya at kinakitaan na talagang sisikat siya sa larangan ng pag-awit. Bata palang siya noon, handsome na kaya lapitin ng chicks! Eternal rest, Rico.

Samantala, namahinga na rin si katotong Bong de Leon. Last medical mission ng broadcaster na si Ahwel Paz ay nag-serve pa ako ng lunch sa kanya. Ang paborito niyang ulam ay menudo at ako ang nag­luto dahil ‘yun ang request niya sa akin. Wala na rin si Miracle Joy Diao, Cheng Mulach, Pepito Vera Perez, Jun Howard at Dada Navida. Rest in peace!

Shanti Dope paganda nang paganda ang mga nilalabas na kanta

Patuloy na umiingay ang pangalan ng isang batang rapper na si Sean Patrick Ramos o mas kilala bilang si Shanti Dope sa industriya ng musika dahil sa kanyang mga kantang isinusulat at ibinabahagi sa pamamagitan ng YouTube at ng social media.

Bata pa lang si Shanti nang mahiligan ang pagra-rap, idol niya sina Gloc 9, Loonie, at Smugglaz. Pamangkin siya ng producer ni Gloc 9 and that time, isa siyang underground artist, kaya naman nang marinig ni Gloc 9 ang mga kantang ginawa niya ay in-introduce siya nito sa Universal Records. Doon na nag-start ang unti-unting pagsikat ng batang rapper.

Tila daw nag-i-story telling lang si Shanti sa kanyang mga rap. Napakahusay! Laking Blumentritt pala itong si Shanti. Sa isang interview, napag-alaman naming nagpa-practice pala ng Hinduism ang tatay niya, isang religion o movement daw sa India. Nakuha niya ang Shanti sa libro ng kanyang tatay which means peace at dinugtungan na lamang nila ng mga kaibigan niya Dope para mas maganda daw pakinggan.

Very busy ngayon si Shanti, mga guesting sa iba’t ibang TV shows and events. In fact, nag-guest sila ni Gloc 9 last night 6:00PM at Centennial Garden Memorial Park dito sa Santa Rosa, Laguna at may guest performances pa with Enzo Almario, Verna, Wacky Macky, Autoplay Band at TMME Band! Sobrang shy ni Shanti pero pagdating sa pagra-rap, puwedeng-pwede na siyang sumunod sa yapak nina Gloc 9 and even the late original rapper, Francis M.

Cesar sinadyang i-post ang babaeng hubad para ‘di magmukhang kawawa?!

Iniisip ng ibang netizens na sinadya lang daw ni Cesar Montano na i-post ang nag-viral niyang video kung saan may hubad na babaeng biglang lumitaw sa kanyang likuran para raw hindi siya magmukhang kawawa dahil hiniwalayan siya ng asawang si Sunshine Cruz.

Ito raw ang bagong rumored girlfriend ni Cesar. Pero before pa naman ang dami ng tsismis na may iba’t ibang babae daw talaga si Cesar! Marami ang natawa sa naturang video at gumawa pa ng kani-kanilang version o parody. Mayroon ding nadismaya dahil pinatunayan lang daw ni Cesar na isa siyang babaero.

Be careful nalang siguro next time bago siya mag-post ng mga video lalo na’t may anak siyang babae. Sana hindi masira ang image niya bilang ama.

vuukle comment

RICO J. PUNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with