Nora hindi kailangan ng National Artist Award
Vir Gonzales (Pang-masa) - November 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi malaking kawalan sa Superstar na si Nora Aunor ang hindi niya muling pagkakaroon ng award bilang isa sa mga National Artist.

 

Para sa akin, hindi niya na kailangan pa ng award na iyon dahil sapat na ang mga napatunayan niya at nagawang pelikula para matawag na national artist.

Sa ngayon, si Nora ay mapapanood sa seryeng Onanay kung saan gumaganap siya bilang ina ni Jo Berry na si Onay. Kasama rin niya si Cherrie Gil, Mikee Quintos at Kate Valdez. Mula ito sa direksyon ni Direk Gina Alajar. Sophie nagpakitang gilas 

Marami na ang nakakapansin ngayon kay Sophie Albert dahil sa character niyang si Amber Balocboc sa seryeng Pamilya Roces. Gumaganap siya bilang anak ni Elizabeth Oropesa at Roi Vinzon sa nasabing serye, at sila ang pangatlong pamilya. Kapatid niya sa serye sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Jasmine Curtis Smith at Shaira Diaz.

Walang kaalam-alam si Carla na panganay sa magkakapatid na si Sophie pala ang kabit ng mister niyang si Rocco Nacino.

Nagmula si Sophie sa artista search reality show na Artista Academy sa TV 5 at ngayon nga ay lumipat na sa GMA-7.

Bukod sa pagpapatawa, sumabak na rin siya sa pagpapa-sexy na suportado naman ng kanyang boyfriend na si Vin Abrenica ng Kapamilya.

NATIONAL ARTIST NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with